Sa wakas, dumating na ang panahon na inaasam ng mga magsasaka sa nakaraang buwan, pati ng mga tao na mahina ang supply ng tubig at pati na rin ng mga estudyante sa lahat ng antas. Dumating na din ang panahon na pinaka-ayaw ng mga pumapasok sa opisina. Alam niyo na ang tinutukoy ko: tag-ulan.
Unang ritwal kapag malakas ang ulan: buksan ang TV at maghintay ng news na suspended ang klase. Maswerte nga ang mga estudyante ngayon kasi masisipag na tumawag ang mga eskwelahan at mga mayors para iannounce sa mga morning TV shows na walang pasok ang kanilang school o sinasakupan. Nung high school ako, malalaman lang namin na walang pasok pagdating ng tanghali. Kamusta naman yon? Pero ayos lang, either uuwi ako noon at matutulog, maglalakwatsa o maglalaro ng PS.
Eh ngayon, never mong mapapanood sa TV na may magrereport na "Lahat po ng mga nag-oopisina along Ayala Avenue ay walang pasok sanhi ng malakas na ulan." Wish ko lang may ganyan. Siyempre, pasok naman ako, sayang ang sweldo eh. Kung malas ka, mababasa ka dahil sa mga sasakyang mabibilis na dadaan sa isang puddle of water at nasa tapat ka ng puddle of water na iyon (based on a true story.hehe). At kung mas malas, mas-stranded ka pa ng ilang oras. Ang pinakamaganda na lang na gawin ay mag-half day at sabihin na reason ay "heavy rains".
Speaking of reporters, malaki talaga ang paghanga ko sa mga nasa media. Pero hindi yung mga intrigera at mga nagkakalat ng tsismis at bad publicity. Hanga ako sa mga taong ito na kahit anong mangyari eh nagrereport pa din kahit na buhay pa nila ang kapalit. Mga reporter na kahit bumabagyo, nagkakabitak-bitak na ang lupa, lumilindol, umuulan ng bulalakaw, sinasakop na tayo ng mga alien o ang pag-ulit ng nangyari sa Sodom at Gomorrah ay naglilingkod pa rin para makapaghatid ng balita. AT WALA SILANG HOLIDAY HOLIDAY! Well, meron. Mga ilang days sa Mahal na Araw. Kaya nawala na sa career option ko ang pagiging reporter dahil sa kadahilanang iyon. At hindi naman pang reporter boses ko, hindi rin telegenic at makakalimutin din sa script.
Ayaw ng mga housewives ang tag-ulan. Kasi yung mga nilalabhan nila, hindi natutuyo. Sinasampay sa loob at nag-aamoy something. Basta hindi mabango. Kaya malakas ang kita ng mga fabric softeners and conditioners sa mga panahon ngayon.
Ayaw ng mga hayop ang tag-ulan. Hindi sila makakapaglaro sa kalsada kasi nga, umuulan. Katulad ni Carmina (yung aso namin na kumagat sa akin), nandun lang sa kulungan niya....awwww...BUTI NGA!BWAHAHAHA!
Ayaw ng mga lovers ng tag-ulan. On second thought...gusto pala nila ng tag-ulan. Malamig eh! Nyahahaha!
Ayaw ng mga bumbero ng tag-ulan. Inaagawan daw sila ng trabaho. Hehe...pero gusto rin pala nila yon. Hindi sila mapapagod.
Ayaw ng mga resort owners ng tag-ulan. Wala daw kasi silang mga customers. Unless kagaya niyo ako na gustong mag swimming kapag umuulan kasi hindi ako mangingitim kahit na naninigas (ang alin?) na ako sa sobrang lamig (aaah...akala ko kung ano na).
Ayaw ni Santa Claus ng tag-ulan. Mababa ang visibility kapag nakasakay siya sa sleigh. Baka mabangga siya sa eroplano. At baka magkasakit si Rudolph, lalong maging red yung nose niya. Ayaw ni Santa Claus ng nagkakasakit ang kanyang mga reindeers...
Ayaw ng mga kalbo ang tag-ulan. Mababasa daw yung bumbunan nila, baka magkasakit sila.
Gusto ko ng tag-ulan. Malamig kasi, masarap matulog. Pero hassle din pala.
No comments:
Post a Comment