Thursday, August 02, 2007

Samu't-saring kaengotan ko

Disclaimer: Ang mga sumusunod na entry ay sanhi ng isa sa mga sumusunod: puyat, pagiging bangag, pagiging tuliro, kabingihan o epekto ng paghithit ng medyas. Pagpasensiyahan niyo na.

Scene 1: Sa isang fastfood chain:

taga-take ng order(TNO): Ano po order niyo sir?
Ako: Isang cheeseburger meal.
TNO: Dine in po o take out?
Ako: (parang walang narinig)Pa-upsize nung coke.
TNO: OK Sir, dine in po or take out?
Ako: (parang walang narinig ulit)Padagdag na lang ng ketchup, mga 3.
TNO:(halatang inis)
Ako:(na-gets na ang lahat at napansin ang itsura ng TNO): ...dine in. :|

-----------------------------------------------------

Scene 2: Sa jeep, papasok ng school. kakasakay pa lang:

Ako: (kinuha ang barya sa bag at inaabot ang bayad) Para ho!
HUWAAAAAAAAAAAAAAAAAT!!!

-----------------------------------------------------

Scene 3: Practice ng Choral Singing Competition sa bahay ng isang orgmate

Girl1: Uy, alam mo ba etong si Girl2 may third ear! Nakakarinig ng hindi naririnig ng ordinaryong tao.
Ako: (magpapasikat din)Talaga? ako naman may third nose, nakakaamoy ng hindi naamoy ng iba!
Girl1 at Girl2: (nagkatinginan) Nasaan yung second?

4 comments:

terrence said...

one word (which can actually be three): LOL. i had a good laugh today.

it's funny how stress and/or sleeplessness can affect our daily activities, and then catch us off-guard.

brainfreeze said...

^hehe...true. pero it's fun to be bangag and sometimes and laugh at the things u did while u are bangag.haha. bangag na yata ako.

P0ytee said...

Hahaha grabe windang ka! :) Laughtrip yan. Buti naaalala mo pa yung mga sinabi mo.

brainfreeze said...

^never ko talagang makakalimutan yung mga sinabi ko. Masarap balik-balikan ang mga pangyayaring ganyan. nakakatawa eh.hehe...