Sunday, August 26, 2007

pa ficture!

Hindi talaga ako mahilig magpapicture sa mga celebrity.

Ewan ko, mahiyain talaga akong nilalang simula pagkabata ko. Siguro kasi feeling ko na wala akong karapatan para tabihan sila. Haha, ang pangit ng reason ko. Pero naiilang talaga ako kapag may katabi akong sikat.

Naalala ko pa nung bata pa ako. mga 4 years old yata ako nun. Nagpunta kami sa isang waterfalls sa saang lupalop man yun. Ang pagkakaalala ko ay either Panay or Tanay. Basta, sounds like anay. Eh pagdating namin dun, nagshooshooting din pala sina Vic Sotto at Alice Dixon ng movie. Nakalimutan ko na yung movie kasi wala pa naman akong pakialam sa mga pelikula noon. Nagpakuha kqmi ng picture kasama si Vic together with my mom. Sayang hindi ko maiiscan yung pic, nasa Bulacan kasi. Pero kung makikita nyo yung pagmumukha ko...hahaha! Parang natatae at... Wag na lang...Ayokong alalahanin pa.

Nung tumanda ako, ang reason ko naman kaya hindi ako nagpapapicture sa mga celebs ay dahil jologs ito. Alam mo yun, yung fanatic ang dating. Eh hindi naman ako fanatic or parang ngayon lang nakakita ng artista. Tsaka siguro naririnig ko yung ibang tao na may mga bad experiences sa mga celebs. Yung mga nagsusungit and everything. Eh madali pa naman akong mairita sa mga ganun kaya wa na lang picture taking na magaganap.

Pero after 16 years, nakapagpapicture na ulit ako sa isang celeb na hindi naman ganoong kasikat katulad ni Vic eh sa tingin ko sikat naman siya sa music industry.

Me with Lougee of Mojofly

Mabait, hindi suplada, cool, magaling kumanta at maganda. Kaya siguro sumunod na ako sa mga naunang kumuha ng pic with her. Nawala na ang phobia ko sa mga celebs, especially sa mga kasali sa banda kasi feeling ko may AP sila. At hindi na parang naiilang ang pagmumukha ko sa pic unlike my Vic Sotto pic. Haha! Kapag nakita ko ulit si Pokwang magpapapicture na talaga ako sa kanya.

More pictures of Green Light: UP CURSOR's 24th Anniversary Party
here.

No comments: