Monday, November 27, 2006

2 days to go

Merong mangyayari sa Wednesday, November 29. Hindi ko alam kung ano.hehe...

Sa mga kabarkada ko sa Bulacan: Pasensiya. Yung party na ginawa nung bago magstart ang sem ang blowout ko sa inyo. Hindi na rin kasi ako makakabalik ng Bulacan kasi sobrang dami na ng ginagawa.

Sa mga awitaners: Kapag natapos na yung fruitcake by wednesday, magpapa-pizza ako! Pero sabi ni fatso si lew lang ang magpapapizza. hehe...

Sa mga taga-dept: pinagiisipan ko pa kung magpapa-pizza din ako. Kasi sobrang mahal nun, lalo na ang yellow cab. Tsaka kung wala dun si... tignan natin...

Sa mga close/best friends ko here in UP: Pinagiisipan (again!) ko pa kung ano ililibre ko: food (that means McDo, Jollibee, etc.) or Starbucks (para makaipon ng sticker for the planner!).

Mawawalan na ng "teen" ang age ko...*sigh*

Rant #1 and Countdown#1 ctd.

Countdown#1 ctd.
Akalain mong may bagong number 1 sa countdown!

The classmate from hell...the much deeper hell!

You are in a class then one of your classmates keep interrupting the lesson asking (most of the time, stupid) questions. And the only thing you can do is go out the door and wait for the non-sense to stop.

Rant#1
Kailan pa puwedeng magtelebabad sa department!KELAN PA!!!???

Monday, November 20, 2006

Countdown #1: Five persons you don't want to meet

5. Teacher from hell
Maganda ang pakikitungo mo sa guro. Mukhang mabait naman siya. OK naman ang performance mo sa klase. Tapos ang grade mo: 3.0. Nice.
Pwede rin yung sobrang sama. Every meeting may quiz. Madaming requirements. Peste.

4. Classmate from hell
Yung tipong wala ng upuan sa classroom. May isang upuan, pero may nakaupong bag. Nang bigla mong nilapitan ang upuan na may bag at itanong kung may nakaupo, padabog na tatanggalin ang bag. Hanep!

3. Jeepney Driver from hell
Magbabayad ka ng 10. Sinabi mo estudyante. Tapos 7.50 pa rin ang siningil.
Pero wala ng mas sasama sa jeepney driver na sobrang bingi na kahit nagdudugo na ang tenga ng katabi mo sa pagsigaw ng "Ma, Para!" o "Bayad po!" ay hindi pa rin niya marinig. Darn!

2. Jeepney Passenger from hell
Eto pa ang isang peste. Halos nakadikit na ang braso mo sa mukha niya, ayaw pa rin abutin yung bayad mo. Mega talikod pa sayo na kulang na lang itaas ang paa niya sa upuan. Karamihan ng napapabilang dito ay mga babae:matrona, matanda, estudyante, pokpok. Ang isang variety ng JPFH ay ang mga babae na mahaba ang buhok na humahampas sa mukha mo kapag mahangin.

1. Student Assistant na MapapHELL.
Ayaw ko ng magreact kasi naiirita pa rin ako sa nguso at pagiging mapapel niya.

Grad Pics!

I got my gradpics. At isa lang masasabi ko: Iba talaga ang nagagawa ng photoshop!hehe...

Sa wakas, may madidisplay na ako sa graduation pictures sa sala ng bahay namin sa Bulacan.

Thursday, November 16, 2006

kadramahan part2

Hindi ako makatulog nung isang araw. Pagod naman ako kasi nag-jogging ako nung hapon, dapat makatulog kaagad ako. Pero mayroon na namang bumabagabag sa isip ko, sa damdamin ko.

Bakit ba hindi ko masabi palagi ang nararamdaman ko? Bakit palagi ko na lamang nililihim lahat ng paghanga ko? Bakit ba ako pinanganak na torpe?

Iniisip ko na naman siya...

Hindi ko masabi na pinapaligaya niya palagi ang araw ko.
Kung bakit ako palaging masaya kapag kasama ko siya.
Kung bakit nasa kanya na lahat ng katangiang hinahanap ko.
Na naapreciate ko ang pagtawa sa mga jokes kong corny.
Na nawawala ang pagod kapag nakikita ko siyang nakangiti.
Na mahal ko siya...

Siguro takot na akong masaktan. Takot ng mapahiya. Pero sana hindi ako matakot na umibig...

Kukuha lang ng tiyempo, mag-iipon ng lakas ng loob, sasabihin ko na din ito sa kanya.
.
.
.
.
.
.
.
O ayan! manghula na kayo kung sino yan!hehe...:D

Tuesday, November 14, 2006

New Semester, New Life (cheesyness!)

Medyo nakalimutan ko na yata mag-blog. Sarap kasi matulog eh.hehe...tsaka walang net sa bahay.boohoo...

Anyweys, nakalipat na nga pala kami ng bahay. Hindi na kami dun sa K1st, with the house owner from hell na bitch. Tsaka yung katulong sa baba na mukhang halimaw. They are all gone! Pero napunta na kami sa mas malayo, sa K3rd. Pero ok naman ang bahay. Yung kapitbahay nga lang namin, mga dancer sa SiS, o SOP, or something. Kaya Sana mapakabitan na ng internet.

Here is my schedule for this semester:

Mth 8:30-10:00 Socio 10
M 12:00-1:00 CS196
(Uwian na!wahahaha!)

TF 10:00-11:30 French10 (Bonjour!)
TF 1:00-2:30 IE3
(Uwian na naman kagad!yoohoo)

W 8:30-11:30 CS173(COBOL)
W 11:30-6:30 CS199
(Kung kailan pa wednesday, tsaka buong araw. pero chever lang yang thesis na yan)


Next post na ako magdadrama.Hehe...

Monday, October 16, 2006

Battle of the...wtf!









VS




Two singing competitions. Two different contestants. Two words: They suck!

Let's compare the two of the most popular singing (?) sensations of the hottest singing competitions today. Kris Abrenica (Pinoy Dream Academy) and Miguel Mendoza (Philippine Idol).

ROUND 1: VOICE
Kris has an R&B style in his voice. A Kris Lawrence copycat. Cannot hit the high notes. Butchered a lot of songs, especially Josh Groban's She's out of my Life. I can sing better than him, especially when taking a bath.
I can't find Miguel's style. Pa-tweetums effect balladeer? Made a mess during the Soul and R&B week. Not one of the "more deserving one's " to make it to Idol. Voice is not that mature enough.
I can sing better than him, especially when taking a bath.

ROUND 1 WINNER: DRAW (I really can't tell. I can't stand listening to them both!)

ROUND 2: CHARISMA
Kris is cute "daw". Saved by text votes for 3 FREAKING TIMES, even if he had one of the worst performances.
Miguel is cute "daw". Sailed through the Final 12 because of his looks and maybe because of the LaSalle Community. Looks like a chinito gay guy.

ROUND 2 WINNER: DRAW (hindi ako sanay tumingin ng cute.)

ROUND 3: TALENTS ASIDE FROM SINGING (may talent sa singing?)
Kris: Piano and Guitar (from the Pinoy Dream Academy official site). And Kris can dance too, judging from his performance last Saturday.
Miguel: Piano, guitar and a little drums (from the Philippine Idol official site)

ROUND 3 WINNER: DRAW (3-3. its a tie)

ROUND 4: CARREER after PDA/PI
Kris: May be built up for acting. Star Magic perhaps?
Miguel: Baka kunin ng GMA para pantapat kay Kristoff.Or ilagay ng ABC5 sa Ripley's Believe it or Not pampalit kay Raymond Bagatsing!

ROUND 4 WINNER: DRAW

BOTTOM LINE: Wala lang. gusto ko lang mang-olats ng tao. XD

Wednesday, October 11, 2006

backfighter

Dahil uso ang backfighting ngayon, this entry will be all about me backfighting my most favorite topic of discussion.

Kung natatandaan niyo ang aking entry na may title na papel, siya ang tutukuyin ko dito.

Naiirita talaga ako sa kanya! Sa nguso, sa boses, sa kakapalan ng mukha, sa lahat lahat na. Naiirita talaga ako kapag nakikita ko yung pagmumukha niya. Akala mo naman kung sinong magaling, eh hindi naman.Napaka-mapapel pa. Grrr....

OK tama na. masyado ng obvious kung sino ito kapag nagsalita pa ako.

Quote for the day: Hindi wrestling stadium ang SA area, kaya huwag dito mag-away. XD

Saturday, October 07, 2006

The Day After Milenyo

Thursday ng umaga: Masaya akong nagcocomputer ng magsimulang humangin at lumakas ang bagyo. AT biglang nagbrownout. peste! Masisira ang PC ko na to. Naghintay ako ng sandali akala ko magkakaroon ulit ng kuryente. Lumubog ang araw, wala pa rin. Nagsimula na akkong magtext sa mga friends kung may kuryente na sa kanila at kung anu-ano pa. At biglang nawalan ng charge. AAAAARGGGHH! Magchacharge sana ako ng nalaman kong...wala paalng kuryente. nice...

Friday: Nanghiram ako ng cellphone sa mom ko na may full bar. Nilagay ko yung sim ko at pagbukas ng fone, dalawa na lang ang batt. nice.

Pinagwithdraw ako ng ate ko sa atm. Nilakad ko papunta sa atm machine at nakita ang destruction. shet, offline pa ang atm. Wala pang pera. Bumalik ako sa bahay. Pinabalik ako sa atm machine na mas malayo at subukan yung isang ATM niya. Naman...bakit hindi na lang pinagsabay? SIyempre nag-jeep na ako, hindi ako martir. Lo and behold, offline pa din sila.

Nag-gabi na at wala pa ring kuryente. Nagamit na namin yung kandilang hindi nagamit nung pumunta kami sa Banahaw. Mabuti hindi masyadong mainit. At plentiful din naman ang tubig kaya no prob. Dahil walang tv, madali ako nabore. Kaya hinalughog ko ang buong cabinet ko para mahanap ang aking walkman na luma. Hindi kasi magamit yung mp3 player ko kasi AAA battery ang kailangan. Sa wakas, natagpuan ko. Nakinig ng news, ng music, at inantok. zzzz...

Sabado. Hindi ko na kaya! Nakapagwithdraw na sila nung kinagabihan. At alam niyo na ibig sabihin niyan, nag-mall kami. kumain, namili ng bagong wardrobe (pang presentation) at pumunta sa the block. Nakasulubong ko din ang isang (read:malandi) kaklase ko nung high school. What a coaccident!

Napagalaman ko din na may kuryente na sa bahay nmin sa Bulacan simula nung Friday pa. Napangiti ako at hindi na nagdalawang isip. Pero naalala ko yung debut ni Joelle. At dahil wala akong line of communication, hindi na ako nakapunta. (sorry Joelle.huhuhu...).Nakauwi na kami at masayang nakapanood ng expulsion night ng pda at performance night ng pi. the joys of electricity nga naman.

Linggo. Wala pa ring kuryente sa Kamuning. hindi muna ako lumuwas. At dahil sa bagyo, hindi kami nakapag-prepare ng presentation sa thesis. Akala namin mamomove pero no! We're dead.

Lunes. Maaga ako nagising kasi nagbabakasakali akong may kuryente na sa up. Hindi ako nakapag-almusal, nabasag kasi ang itlog na dapat ay almusal namin (totoo po ito. nakakaawa no?) Kuamin ako sa 7-11 at sumakay na sa jeep.

Nakita ko ang destruction sa buong campus. Ngayon lang ako nakakita ng ganun. Mas lalo akong nagulantang dahil wala pa ring kuryente. Pero nagkaroon bigla ng bandang 9:30 am. yipee! nakagawa kami ng presentation, at nairaos naman ito.

Martes. Nagkalagnat ako. Sinearch ko ang net para malaman ang symptoms ng dengue. Lahat tumutumpak except sa rashes. Nagpanic ako, umuwi at nagpahinga. Hindi na nagpa-check up sa doctor katulad ng binabalak ko.

Ngayon: OK na ang pakiramdam ko. pero nangangati ako. Iniisip ko kasi palagi na may sakit ako? Placebo effect or buni? hindi ko alam...

Tuesday, September 26, 2006

LSS

Sobrang LSS ako dito sa kanta na ito! since nung weekend pa. Primarily because ito yung kinanta ni Yeng of PDA nung sabado (kahit hindi ko napanood, napanood ko yung rehearsals). And it is stuck in my head for 4 days na! This song is revived by Moonstar88, hindi ko nga lang alam yung original. This is one of the best songs evah! The melody, the lyrics, its so hypnotic.

Ang Pag-Ibig kong Ito
Moonstar88

Umiiyak ang aking pusong nagdurusa
Ngunit ayokong may makakita
Kahit anong sakit ang aking naranasan
'Yan ay ayokong kanyang malaman

Refrain:
Mga araw na nagdaan,
kailanma'y hindi malilimutan
Kay tamis na raw ng pagmamahalan
Ang akala ko'y walang hangganan

Chorus:
Ang pag-ibig kong ito
Luha ang tanging nakamit buhat sa'yo
Kaya't sa Maykapal
Tuwina'y dalangin ko
Sana'y...

(Repeat All)

Kapalaran ko ay magbago

(repeat Refrain)

(repeat Chorus)

Kapalaran ko ay magbago

its been a long time

Haaaay! Ang tagal ko ng hindi nakakapag-blog. Busy-busyhan ako sa maraming bagay.

Last week, isang exam, isang paper at isang report. Dagdagan mo pa ng marketing congress. Sobrang daming ginawa. Pero, natapos ko naman yung paper, hindi masyadong nahirapan sa exam at ok lang yung report. Yung marketing congress, third kami! We didn't expect it talaga considering maraming magagaling. Kaya mayroon na akong "official" medal/award from UP. Yehey! Plus, 10,000 pesos (divided into 5, kaya 2k sakin). Yehey ulit!

This week, sobrang dami din ng gagawin. Machine Problem, thesis, CS173 project. Haggard. Pero i can't believe na matatapos na yung sem. Amazing!


Wednesday, September 13, 2006

GRAD PICS!

Nakuha na namin yung contact prints namin last week. OK naman ang kinalabasan. Siguro dahil sa photoshop. Here are some of them:

Here ( I think) is my best pic. Wala lang. Pero ayos ang smile ko dito, parang natural. hindi pilit. Nung elementary kasi para akong najejebs. Ngayon ok na.


Ayoko na maglagay pa ng solo pics! Next na lang yung napili kong iparecopy na barkada pic.





Sosyal! Pangit kasi yung ibang pic kaya eto napili ko. Wala lang din. Mabuti nga nakapunta sila sa barkada pic ko. Hehe...




Banahaw Expeditions

Sorry for the very late update. Been busy this few weeks. Lalo na nung pumunta kami sa Banahaw last weekend.

For 1,350 pesos, we will go to Dolores Quezon and stay there for two days to do different kinds of stuff. Masaya yung dalawang araw, hindi sayang ang pera.

Sa first day, yung mga pinuntahan namin ay yung Sta. Lucia Falls, kung saan "bininyagan" kami at nilublob sa ice-cold water. As in ice cold. Kaya marami ang nagkapulikat. Im lucky I'm not one of them. Another memorable experience is the Husgado, a cave where, they say, hindi nakakalabas ang mga makasalanan. Siyempre kinabahan naman ako. Ayoko namang ma-stuck dun forever at dalhan na lang nila ng pagkain. Mabuti naman at nakalabas ako.

When night came, nagpulasan ang mga tao to freshen up. Kaw ba naman ang umakyat ng bundok at pumasok sa kweba buong araw. Pero kelangan daw magtipid sa tubig. Ayos na daw ang mga 3 buhos. Mabuti may extra water na dumating, courtesy of the fire hose na sobrang lakas ng pressure na nakasakit kay Sir Nilo (our prof) and one of my groupmates. Mabuti hindi sila tuloy-tuloy mahulog sa bangin. After the sharing and inuman sessions later that night, we all went to sleep. SOBRANG LAMIG! yun lang masasabi ko.

The next day was even tiring. We went to Kalbaryo, a mountain with a sacred cross on top. Fatale ang pag-akyat dun. Feeling ko nag-lose ako ng 10 pounds (I wish) sa pag-akyat. Pero ayos ang feeling pag nasa tuktok ka na, wala na lahat ng pagod mo.

Tapos bumaba na kami ng bundok at bumalik sa base. After lunch, we went to Kinabuhayan. Sobrang dami din namin ginawa dito. Naghike, pumasok sa mga kweba, nag-hoke, pumasok ulit sa kweba. And after that, dinala nito kami sa isang waterfalls. Ayos! Kahit medyo madumi yung tubig, pwede pa naman siya paliguan. Hindi rin ako tumalon sa itaas nung falls kasi ayaw kong isugal ang buhay ko. Sayang nga na nung last day lang kami nakapagbonding ng mga groupmates ko. Masaya din palang sumakay sa itaas ng jeep.

Then we went home. At eto pa, may inuman pa ng lambanog sa loob ng jeep pauwi. Pero dahil sanay na ako (ng konti), hindi ako nahilo. Para ngang walang epek eh, siguro mas nasaany na ako sa gin kaysa lambanog. Dumaan din kami sa Colette's para bumili ng buko pie. Para siguro bawiin ang nawalang calories sa amin.

That trip is truly a great experience, both spiritually and physically. You can do things that you thought you can't do. Taba ko na ito, nagkasya ako sa mga kuweba? Enjoy talaga, sana may next time.

Calling CURSOR or LAKAN! Pwede Semender dito! XD

Monday, September 04, 2006

Definitions: The Return

OK. I got famous (in CURSOR and among my friends) because of giving new *and corny* definitions to existing things. Well, I'm back! And I made all of these definitions during CS131 Numerical Methods. Halatang bored. hehe...

1. Poisson - (1) n. lason (2) n. yung part ng body na sa ilalim ng bellybutton (sumasakit ang poisson ko!!!)

2. Assume - n.isang sapatos

3. edge - edad. naalala ko bigla ang isang text joke.
Beauty Pageant...
Host: Candidate number 1. your question: What is your edge over the other contestants?
C#1: MABUHAY!My edge...over the other contestants...is 20 years old. (this made me laugh)

4. transient - using it in a sentence...

"Uy pare, wag na tayo sa FX sumakay. Sa Baliwag Transient na lang!"

5. Fahrenheit - using it (again) in a sentence...

"Uy tignan mo yung girl, ang ganda! Pero sayang fahren, heit na lang ang kulang..."
(para sa mga hindi nakagets...pero sayang pare, height na lang ang kulang)

Stop the corniness! Vote me, I will be the next Philippine Idol!!!

Thursday, August 31, 2006

impromptu

Today is our thesis presentation. Mari (my thesismate) should be the presentor for today. But, because of an unexplained circumstance, she was rushed to the Infirmary. I don't know the exact reason, but since Jerry (my other thesismate) presented first, there is only one choice:Me, presenting an imprmptu presentation.

I haven't felt that way since my impromptu speech way back at my Comm3 class. My ears became so warm, I became all sweaty and panicky, and other chorva things. With less than 2 hours to go, a speech that should be done and practiced for at least a day is crammed to a couple of hours. How exciting! And the flash disk and script is with Mari, Jerry rushed to get it. We became lucky when another group decided to switch presentation times with us, putting us in a 4:30 PM slot instead of the scheduled 3:30. Thanks a lot, how can we ever repay you?

My time came, and my heart is ready to explode. But, learning from my Comm3 class and various speeches, I continued. ALthough I forgot some lines and buckled, It did go very well, better than I've expected being eaten alive by the panelists. The panelists asked few and very answerable questions which made our life a lot easier. I gave a sigh of relief after the presentation. Thank God.

Mari, please be well soon. Magpahinga ka lang dyan. And also to Teejay who lost his cellphone and some money because of a holdapan incident, we are happy you are not hurt. No amount can replace somebody's life. Hehe... XD

Monday, August 28, 2006

Papel

Likha ng Diyos ang mga puno.
Ang puno ay pinagmumulan ng papel.
Ang papel ay maraming gamit.

Pero...bakit may taong mapapel?
Dahil sila ba ay galing sa puno?


Saturday, August 26, 2006

automata

Just finished my exam on CS133. My performance? I will be VERY surprised if I get 75 or higher. I will be happy with 70pts. Really.

We had another coffee experience yesterday to review for our exams. Our friend since high school Roro dropped by at around 11pm and exploited my discount privelege in SBC. In spite of her busy schedule, she still managed to talk once in a while to us. (drama!)

And for the first time, I felt sleepy in Seattle's. Maybe because I ordered grande instead of supremo and the coffee didn'y have that much effect. Teejay left his wallet in his dorm so he borrowed some money from me. I intentionally ordered grande instead of supremo to lessen my burden. Don't tell this to him ha. (joke lang!)

Thursday, August 24, 2006

The Good, The Bad and The Z

The Good:
High grades in CS131 exam (I'm just happy to get that kind of grade. Pasensiya na...)
Got my SA salary.

The Bad:
Our thesis. Well not that bad. So many things to do.
A paper due tomorrow and an exam on Saturday. (This means two consecutive overnights)

The Z:
I saw Z again.
Z is so cute!
'nuff said.

Wednesday, August 23, 2006

Z

I want to see Z everytime.
I seldomly see Z.
I usually see Z at the cafeteria.
Z is sometimes alone.
I want to join Z sometime.
I think about Z always.
I think I like Z.

Tuesday, August 22, 2006

Wacky Weekend

Day 1, Saturday: First Time in Recto

Since I am the Logistics Head for the upcoming @rte movement (plugging), ako ang pinapunta nila sa Recto para maghanap ng GLASS trophy. Daming beses na akong nagbalak na pumunta sa Recto pero hindi pa natuloy. And finally, after some days of praying, natuloy na. Marami akong naririnig na masamang balita about Recto: holdapan, snatchan, chorvahan. Natakot naman ako. Pero being the adventurous person, balak kong pumunta mag-isa. Pero the intelligent side of me said na isama mo ang mommy mo, iwasan ang disgrasya, iwasan ang maligaw.

So sinama ko na nga ang mom ko papuntang Recto. Sumakay kami ng Quiapo Jeep sa may E.Rodriquez. Para akong bata na kulang na lang ay ilabas ang ulo ko para tignan ang view sa labas. Amazing talaga, para akong ibong nakawala sa hawla ng Quezon City.

Pagkababa namin sa...actually hindi ko alam yung street na yun na perpendicular sa Recto. Meron na dung mga pagawaan ng trophies. At pagliko namin sa MISMONG Recto, I was shocked. Traumatized. Afraid. Some men approached us na parang manghoholdap. OMG, sabi ko sa sarili ko, dapat pala hindi na kami pumunta. Mapapahamak pa kami. Nang akala ko ilalabas na nila ang icepick, nilapitan lang pala kami para pumunta sa stall nila at tumingin ng trophy. Wheeew...ang weird naman, sabi ko. Kelangan ka pang sindakin para makakuha ng customer. Pero eventually, nakumbinsi nila kami kasi sila yung pinakamura na nakita namin. Effective pala ang ganung strategy.

After some libot libot (ang panget!), umuwi na kami. At dahil parang mas matagal pa ang biyahe sa jeep kaysa sa pagtingin namin ng trophy, nag LRT-2 na lang kami. Ganun pa rin siya, maluwang, pwede magpatintero sa loob, sana ito na lang yung ilagay sa EDSA. Kumain kami ng mom ko sa Max's sa Gateway. Yun lang, nakakahighblood na kasi yung mga susunod na nagyari kaya hindi ko na ikukwento.

Day 2, Sunday: Kape na naman

Dahil mayroong assignment sa amin para sa Marketing Congress at kailangan ko ulit matuto magprogram using C, nagkape ako sa Morato at dun ko na lang ginawa ang kailangan gawin. Imbes na Mocha Freeze, nagtry naman ako ng iba, Black Forest Freeze naman. Masarap naman siya, pero feeling ko tumindi ang diabetes ko pagkatapos kong uminom, at may bonus cherry pang kasama. At second straight time ko ng nakikita yung isang actor sa ABS na hindi ko alam ang name na palaging pumapape bilang tatay o driver. Suki siguro siya.

Day 3, Monday: Mall Hopping

Ninoy Aquino day, walang pasok. Boring. Umuulan. So mga bandang 2:30, naglakwatsa ako. Iniwanan ko ang karamihan ng pera ko sa bahay para maiwasan ang paglulustay. Pero dahil inubusan ako ng lunch ng aking mga mabubuting kasambahay, kumain muna ako sa labas ng bahay namin para tipid. So feeling niyo naman wala akong pera at hindi ako makakakain mag-isa?HAHAHAHAHA!!!

Anyweyz, first stop: Gateway. Actually hindi na ako dumaan dun, nakakasawa na kasi. Sa paligid na lang ng Araneta Coliseum ako dumaan kahit puro kainan lang ang makikita. Enjoy naman yung mga babes na umiinom ng coffee at kumakain ng cake.

Second stop: SM Cubao. Wala naman akong pera, kaya nilibot ko lahat ng floors ng department store. AY, isang malaking department store nga lang pala ang SM Cubao, sorry. Baka makakita rin ako ng idea para sa marketing strategy namin for Marketing Congress.

Last Stop: Ali Mall. First time ko dito, sa mall na pinangalan kay Muhammad Ali. Masakit na yung mata ko pagtungtong ko sa Ali Mall. Nakasagap yata ng sore eyes papunta. Kaya one floor lang yung nalibot ko, and I decided na umuwi na kasi nagrereklamo na yung paa ko.

Moral Lessons:
Dapat may kasama sa Recto kapag first time mo pumunta.
Patience is a virtue.
Maluwang ang LRT-2. May matandang nakasakay na ayaw sa maiingay na kabataan.
Masarap ang kapeng mahal. Mas masarap kapag may pera kang pambili.
Huwag magmukmok sa kwarto para ipagtabi ka ng pagkain sa mesa.

Friday, August 18, 2006

Which baby are you?

I just received this email yesterday. I will prove the veracity and the correctness of this email by stating facts and...chorva about myself.

NOVEMBER BABY

Trustworthy and Loyal: Truth:9/10 ( Well, it really depends. I will only be trustworthy/loyal to someone who is the same to me.)

Very Passionate and Dangerous: 7/10 (This one's vague. Im very passionate with my work. But dangerous? only when provoked)

Wild at Times: 9/10 (Ask my orgmates/friends and see what I mean)

Knows how to have fun : 9/10 (of course. Jokes, gimiks and the like. but sometimes I go overboard)

Sexy and Mysterious: 10/10 (Syempre, CURSOR SEXY! And im mysterious in such away I always keep secrets)

Everyone is drawn towards your inner and outer beauty and independent personality : 6/10 (Hmmm...Im not that charismatic)

Playful, but secretive : 10/10 (See knows how to have fun and mysterious)

Very emotional and temperemental sometimes: 9/10 (I'll give this a 10 if I was asked 3 years ago)

Meets new people easily and very social in a group: 3/10 (This is definitely WRONG! Im a loner by nature. I need some warming up to socialize)

Fearless and Independent : 8/10 (Three things I fear: God, spiders and rejection (-3 sa score). But Im more independent now (+1 sa point))

Can hold their own : ?/10 (can hold their own what? Hmmm... double meaning!)

Stands out in a crowd : 8/10 (If I am the tallest in the crowd at 5'10", I may stand out. Hehe...)

Essential very smart: 9/10 (Ehem...hehe. Hindi ko na 10 baka sabihin niyo na mayabang ako)

Usually, the greatest men are born in this month : 2/10 (Sadly, Im not one of them)

If you ever start a relationship with someone from this month, hold on to them because they are one of a kind : 10/10 ( I didn't make this up. This is so true!)

Repost in 5 mins. and you will excel in a major event coming up this month. (Nyek! Hindi ko to sinunod. Sana maging succesful ang @rte Movement *plugging*)

Well, not bad. Most of it is true. XD

Thursday, August 17, 2006

Patience

"What's wrong spending my first 16 years of my life alone and spending the rest of my life searching and eventually finding the right one?"

Yan ang drama ko nung naging 1st year college ako. At siguro yan din ang isasagot ko kay Kris Aquino kapag nakasali ako sa Game KNB at intrigahin niya ang lovelife ko. Hanggang ngayon, iyan pa rin ang prinsipyo ko sa buhay, except yung 16 naging 20 na. Apat na taon na pala ang lumipas...

SO what happened in my first four years of searching? Well, marami akong kinilala at nakilala. Hanggang doon lang. Hindi na ako nag-abala pa na mahulog ako sa kanila kasi sa tingin ko hindi sila yung tao na yon. Natuto na rin kasi ako. Ayoko ng umasa, mas masakit kasi. Mas mabuti ng hindi gawin hanggang maaga pa lalo na kung sa umpisa pa lang may alinlangan ka na.

Pero sa isang pagkakataon, mabibigla ka na lang yung tao pala na hinahanap mo, hindi na kailangang hanapin. Mabibigla ka na lang na makakasalubong mo siya habang nakapila before enrollment. Lalo na kung kaklase mo pala siya sa isang subject at hindi mo maiwasang tumitig sa kanya ng matagal. Lalo pa kapag nakausap at nakilala mo na siya at nalaman mo na siya pala ang tipo mo.

Mapapatanong ka naman sa sarili mo: "Siya na ba yon?". Patay na, hindi ka na makatulog. Patuloy na nag-iisip sa tanong na yon. Marami kang mararamdaman. Takot, kaba, saya, inis, constipation. Halo halo na yan sa loob ng katawan mo. At bigla mo na lang isasagot na hindi pa pala siya iyon.

Marami kang rason kung bakit. Sobrang dami na ayaw mo ng isipan pa uli. At kapag inisip mo pa, baka sisihin mo pa ang sarili mo kung bakit hindi mo pa tinuloy. Maiisip mo din na hindi lang siya ang babae sa mundo na tipo mo. Marami pang tao diyan. Malay mo, mayroon pala siyang mahabang buhok sa kili kili. Diyahe naman kung ganun.

Hindi pa rin mawawala ang gabay ng pamilya. Tapusin mo muna pag-aaral mo. Sasabihin nila na mas maganda kung katrabaho mo yung makakatuluyan mo. Pareho na kayong may direksyon ang buhay. Alam niyo na ang tama at mali. Malay mo, kayo pa ang maging mag-asawa. Huwag kang tutulad sa mga kapatid mo. Huwag ka magpadala sa init ng katawan. Mga ganung klaseng bagay. Masuwerte ako at pamilya ko sila, kaya dapat maging maswerte rin sila sa akin.

Masaya ka ba kung marami kang inibig?
Masaya ka ba kung maraming beses ka na umiyak sa taong kinahuhumalingan mo?
Masaya ka ba kung maraming beses ka ng nagpaiyak ng mga taong nahuhumaling sayo?

Ako, magiging masaya ako kung nakilala ko na yung taong yon. Yung kukumpleto sa pagkatao ko, in the right place, in the right time, in the right situation.

...At masaya ako kung palaging nandyan ang mga kaibigan ko. At may frap/freeze/javakula. At cheesecake. At dewberry.At hindi ako bagsak sa exam..

Tuesday, August 15, 2006

Bad Day

This day has the beginnings of a very bad day.

Our report. Well, it hasn't gone according to our plans. I never had a chance to speak because Sir cut me off. Meow. And Tienne is stuck in traffic in Marikina. Meow Meow. But we finished the report, thank goodness. One of our classmates "was volunteered" by Sir as our voice talent. Thanks to him.

Exam tomorrow. And I am still at the half of our lesson. Pussycat dolls! Need to work double time.

Lag. The Create a New Post of Blogger takes a long time to load. Thanks to Multiply and cross posting, I am updating my sites simultaneously. Amazing!

War vs. Peace. Please people. The fiery red devils are very happy with what you are all doing. "Hindi matatama ng isang pagkakamali ang isang pagkakamali." Lalong lumalala ang apoy... Let there be peace on earth and let it begin with me. (kanta to diba?)

Cause you had a bad day
You're taking one down
You sing a sad song just to turn it around
You say you don't know
You tell me don't lie
You work at a smile and you go for a ride
You had a bad day
The camera don't lie
You're coming back down and you really don't mind
You had a bad day
You had a bad day

Monday, August 14, 2006

OMG!

OMG!

My body is responding well with expensive coffee. Im still awake at 3AM. OMG!

Does that mean that I will go to a coffee shop everytime there is an exam? OMG!

Average of exams/review sessions per week: 2-3
Starbucks Venti Mocha Frap:150Php
Baang Tall Mocha Freeze:130Php
Average cost per week: 260 - 450 Php

OMG! And Baang's New York Cheesecake is very delicious. But it costs 90 freaaaaking pesos! OMG!

I think I must stick with plain old coffee and milo this month. Ayoko ng maholdap! XD

Disclaimer: Ang sumusulat po nito ay kapus palad. Kaya big deal na sa kanya ang 90 pesos. Hehehe...XD

Friday, August 11, 2006

false alarm

Today is supposed to be our report in our PI100 class about El Fili. So sinet ko yung alarm ko ng 6 para nasa school na ako ng 7:30. Lo and behold!Hindi ko na naman narinig ang alarm! Either mahimbing ang tulog ko or dahil natabunan ng unan yung phone ko, hindi ko na alam. 7 na ako nagising at nakarating ako sa school ng 7:45. Wala pa yung iba, kaya nakapagprepare pa kami ng report.

The class started at exactly 8:30 AM. Discussions, blah blah blah. Tapos bigla akong tinawag. Sabi ko sa sarili ko: Nakupo! Acting scene na naman to. Ako daw ay isang doctor sabi ni sir, nanggagamot ng lahat ng sakit. Ni-ridean ko naman. Sabi ko sa isang bingi: maglinis ka lang ng tutuli iha. OO, corny na ako...

Tagal ng discussion, hindi tuloy kami nakapagreport...yehey!

Note: Oi guys sali kayo sa @rte Movement. Punta kayo sa arte.upcursor.org.
nandun yung instructions. Prizes awaits the winners (natural!) XD

Thursday, August 10, 2006

@rte movement

Finally it has arrived to close the gap between art and technology...

ARTE ATTACK!

A DIGITAL ART AND PHOTOGRAPHY CONTEST

* Open to all college students in duly recognized schools

* Participants shall use the digital media to portray the theme

"NO BOUNDARY, NEW TECHNOLOGY"

* Entries may be submitted through email at arte@upcursor.org

or in CDROM format at the UP CURSOR Tambayan, 3rd Floor Melchor

Hall Building, UP Diliman, Quezon City

PRIZES :

DIGITAL FINE ART

First Prize: PHP 7000 and a plaque

Second Prize: PHP 5000 and a plaque

Third Prize: PHP 3000 and a plaque

DIGITAL PHOTOGRAPHY

First Prize: PHP 7000 and a plaque

Second Prize: PHP 5000 and a plaque

Third Prize: PHP 3000 and a plaque

REQUIREMENTS :

* Entry Title

* A Short, Hundred Word Essay explaining the entry's relevance

to the theme

* Completely Accomplished Form

* Registration Fee PHP 80.00

Deadline for submission of entries is on AUGUST 25, 2006

For more details visit http://arte.upcursor.org

Starbucks ala Pobre

1. In a tall glass, put one TABLESPOONFUL of coffee. (tablespoonful is emphasized)

kailangan magising...may exam bukas at may report sa susunod na araw.

2. Add one tablespoon of sugar.

dapat kelangan din ng konting tamis. pangit naman kung mapait lang.

3. Add half a tablespoon of powdered milk

konti na lang ang gatas. baka wala na silang ipanghalo bukas ng umaga sa kape nila.

4. (optional) Put chocolate powder for mocha flavor.

Namumuo na yung milo. Pede pa ito inumin? Sige na nga, para sumarap.

5. Add ice cold water.

Shet!Dapat pala mainit na tubig muna para malusaw. Peste! Namuo tuloy...

6. Stir vigorously.

Pussycat dolls! Ayaw pa din malusaw...Uy buong milo! Pweeeh! kape pala.

7. Add crushed ice for added coolness.

Maingay pag nilabas ko pa yung blender. Madaling araw na. kukuha na lang ako ng namumuong yelo sa walls ng freezer

8. Drink and enjoy!

Ampangit ng lasa! Pero kailangang magising...

antok na ko...

Wednesday, August 09, 2006

thesis!

The ever dreaded thesis consultation is tomorrow. Our adviser came from abroad (vacation or meeting i guess) and he is expecting a prototype tomorrow. OMG!!! So merong overnight mamaya sa amin. Tapos ako naman, may exam bukas. Goodluck naman!

Shitness! I've been waiting for 5PM in order for friendster to be available here in the UP domain. But merong scheduled maintenance! Sayang ang oras ng paghihintay. Review na nga lang...

coffee rush

Shet! Kakatapos lang ng exam puro objective. Nakakainis! Na mental block pa ako...Oh well, medyo confident pa naman ako sa magiging results.

It's all because todo review ako kahapon. Hindi naman whole day, nakapag-ISOC pa nga kami eh, committee namin ang may sponsor. Modified speed yung ginawan ko ng rules at pinasinayaan. Yung isang game, pinoy henyo. Pero...nagkaroon daw ng dayaan. Ah, basta. Ayaw ko ng ungkatin ang issue. Ang sa amin lang, kung nagkaroon talaga ng dayaan, mayroong mga apps na kasali, bad example yun sa kanila. Yun lang.

So, nagdecide na lang kami ni bespren TJ na magreview ng aming upcoming exam (yung exam ko ngayon). Pero saan? At sa SM North kami napadpad.

Nagdinner muna kami sa BK (unlimited drinks!woohoo!) at nag coffee sa Starbucks. Sosyal! May tira pa kasi akong sweldo from the SA salary noong June kaya may pera ako. At venti pa talaga ang inorder. Minsan lang mgpaka sosyal ang jologs, pagpasensiyahan niyo na.

So review naman kami. Tapos ng bored na, napag-usapan (na naman) ang tungkol sa magiging trabaho pagka-graduate namin. Marami akong natutunan sa kwentuhan namin ni TJ. Hindi lang grades ang batayan ng pagkakatanggap sa trabaho. Ano napatunayan mo kapag mataas ang grades mo? Matalino ka. Yun lang. Eh pano ang katulad ko na hindi kataasan ang grades? Sabi nga ni bespren, bawiin sa ibang aspeto.

Merong nagtanong sa akin dati (isang tao na good for nothing). Bakit ka pa ba sumasali sa mga org org? Ano ba mapapala mo diyan? Ang nasabi ko nun, para sa resume. Pero may iba pa palang sagot dun.

He can't understand me kasi magkaiba kami ng course. Nursing siya, ComSci ako. Hindi nila kelangan ng extra curricular activities, kelangan lang nila ang kakayahan para makatulong sa maysakit. Iba kami. Kelangan makita ng mga companies na pwede kaming makipag-deal at lead sa iba't ibang klase ng tao. Iba kami, tanggapin mo yun (bitter?haha).

Anyways, effective yung venti mocha frap. Hindi ako nakatulog until 2AM. Usually kasi tulog na ako ng 11PM. May napanood pa ako sa HBO kagabi. About an Alanis Morisette look alike girl with a gift of reading people's thoughts. At first, akala nila psycho siya because she is hearing so many voices in her head. Pero, yung mga voices pala na iyon ay thoughts ng maraming tao. So a person helped her to focus her thoughts and just listen to the thoughts of a particular person she is looking into. Astig no?! Pero she found out that she will be used for NSA (National Security Agency) for the nation's security (sa mga interrogations). Nag freak-out siya pero eventually pumayag siya. Thoughtcrimes yata ang title ng movie. I was glued to the TV screen, pero nakapagreview pa naman ako.

How fun could it be if I am a telepath? Masaya siguro marinig mga dirty thoughts ng mga tao. Haha...naughty me!

float

I thought hindi na ako makakapag-update ng blog, hindi pala. Hehe...

May exam kami dapat ngayon eh, 8:30 dapat yung start ng class. Late ako nagising, hindi ko narinig yung alarm ko. So inuna ko muna yung ligo, nagbihis at binilisan ang pagkain. When I arrived here in UP, someone told me na 9:30 pa ang class. Shet, dapat hindi pala ako nagmadali. Dapat Jumebs muna ako sa bahay. Pero oh well... makakapag-aaral pa ako.

Pero after some time, nagtext yung teacher namin sa mga project leaders na 10:30 pa yung class. Shet na naman! Hindi na ako nagreview, nagupdate muna ako ng blog.

Marami nangyari kahapon. Mamaya ko isusulat after ng exam. Review muna ako.Good Luck CS173 peeps!XD

Tuesday, August 08, 2006

Of eyes and manananggals

My eyes are still watery...Ewan ko ba. Nagsimula siya nung umuwi ako ng Bulacan nung Saturday. Tapos nag sneeze ako ng madaming beses. Allergy? Colds? I don't know...pero my eyes got watery all throughout the day.

Our provincial organization had a new and large event this weekend. Pambatang Buklatan. You will donate books and you will get a raffle coupon in order for you to win a cellphone. Bonga! Sponsor nga pala nila ang isang telecom company. And we did that event sa isang mall sa province namin. Big time na talaga yung org namin. Dati nagpa-quiz show kami sa SM Marilao, akala ko hindi na siya masusundan.

The applicants of our org had a presentation. A play about Niko the...something. Ok na sana yung presentation kung hindi lang sa crappy sounds (3 microphones lang kasi ang gamit nila. Tapos hindi nila pwede hawakan yung mic kasi diyahe.) Overall, maganda yung presentation, natuwa naman (yata) ang mga bata na andun. Pero natakot sila kay Bebang na manananggal na part ng play.

I forgot. Bigla nga palang dumating yung mom, dad at mga pamangkin ko bago magsimula yung program. Nakakashock. Family support sa event ng org namin? Galing!

After the event, nagpulasan na ang mga apps para magpa-sig sa mga members. At dahil hindi ako masyadong tumatambay sa org namin, in demand ako at dinumog na parang artista na gustong hingian ng autograph. Feeling artista na dapat ako ng may nag-approach sa akin at nagtanong..."Alumni po kayo?"

Grabe, hindi ko alam kung magagalit o matatawa ako. Pero I laughed pa rin (kahit na deep inside...) O well, malaki naman akong tao, pero yung face hindi. Kaya naiinis pa rin ako. Hindi ko makakalimutan yung girl na yon. Pero at least nakilala ko siya kagad.

Then, we had our lunch sa KFC. Libre ng Globe. Chicken, rice, mashed potatoes, at softdrinks. Ok na, libre naman eh. Remember Bebang the manananggal? Hindi pa siya nagpapalit ng costume! At nakakatawa yung mga reactions na nakatitig sa kanya behind the glass walls na parang nakita nila si Ursula sa loob ng isang malaking aquarium.

After lunch, some of the applicants decide to watch Sukob. Napanood ko na eh, kaya hindi na ako sumama. So umuwi na lang kami. I left Bulacan at around 6PM at lumuwas papuntang Kamuning. 50 minutes lang ang biyahe thanks to the new NLEX and I made a one man vigil sa harap ng TV para sa telecast ng Philippine Idol.

Many things are in store for me this week. Exams, reports, and others. I think I wont be updating my blog soon...

Monday, August 07, 2006

My new blog

hello. This is my new blog.XD