Sunday, December 12, 2010

tuwing kapiling ka

Light show something @ Ayala Triangle


Para akong bata kanina habang pinapanood ang pagsayaw ng mga ilaw sa bawit saliw ng kantang pamasko. At mas naging espesyal pa ang tagpong ito nang pinanood ko ito sa tabi mo... 

Friday, December 10, 2010

surfing

Ang surfing ay parang pag-ibig.

Hindi maiiwasan na magkakamali ka at babagsak. Isa, dalawa, maraming beses.

Hanggang sa matapos ang iyong pagkakataon para patunayan ang iyong sarili. Tapos na ang oras mo sa instructor. Lumubog na ang araw. Wala nang susunod na pagkakataon.

Aalis ka na masakit ang katawan, masakit ang puso. Nagsisisi kung bakit hindi mo ginawa ito, hindi ginawa iyan. Maraming panghihinayang.

Pero ang importante, natuto ka at inamin ang mga pagkakamali. Na kahit iba na ang surfboard na iyong sasakyan at ang dagat na iyong susuungin, kaya mo nang sakyan ang mga alon.


Sunday, December 05, 2010

alis agiw

Kamusta naman ang kalumaan ng blog na ito. Kung hindi pa nag blog muli sa Carla, nakalimutan ko na may nageexist ng ganitong blog na kung saan bumuhos lahat ng kalokohan at mga naranasan ko noong kolehiyo at noong nagsisimula pa lang ako magtrabaho.

Parang ginanahan akong magsulat ulit, ngayon pa na mas madaming nangyari sa akin. Mga kabiguan. Mga tagumpay. Mga pagkakamali. Mga katangahan. Mga kasiyahan. Pwede din na mga kalandian. Hihi

Parang ako ang blog na ito: confused. Di alam kung humor, entertainment, senti, technology, travel o photography blog. Pero yun nga siguro ang maganda sa akin at sa aking blog. Hindi pwedeng ikahon sa isang salita. Komplikado. Lahat pwedeng pag-usapan. Maraming pwedeng ikwento.

Tignan natin kung magtatagal ang pananabik kong ito para madagdagan ang mga nakasulat dito. Tignan natin...