Noong 2007, unang beses kong hindi makaranas ng kumpletong tulog for 2-3 weeks. Ang pagtulog ay isang pangarap lamang nung mga panahong iyon...
Noong 2007, unang beses akong grumaduate ng college. Obvious ba? siyempre first and last time lang yun mangyayari. haha!
Noong 2007, unang beses akong hindi nakareceive ng individual award noong graduation. Pero keri lang. Nagkaroon naman kami ng award ng thesismates ko dahil sa thesis namin.
Noong 2007, unang beses kong makaranas ng job interview. Unang beses ko rin inulan ng text messages at mga calls para sa mga job interview at offers.
Noong 2007, unang beses kong napuntahan ang Ortigas at Makati Central Business District para mag-apply ng trabaho at umattend ng mga interviews. Unang beses ko rin nakasira ng leather shoes dahil sa sobrang gamit.
Noong 2007, unang beses kong maligaw sa Makati.
Noong 2007, unang beses kong makaranas ng medical exam at... ayoko ng pag-usapan ang tungkol dun.
Noong 2007, unang beses kong nagkaroon ng trabaho. As in yung legal na trabaho. hindi kasi counted yung assignment/project maker na sideline ko nung high school ako. Hindi rin counted yung pagiging holdaper at snatcher sa may cubao.
Noong 2007, unang beses kong bumili ng mamahaling bagay gamit ang sariling pera. Hihi... feeling mayaman ampota.
Noong 2007, unang beses kong magbirthday na may "something explosive and monumental" na nagaganap (see previous blog post). Pero malas nila, pumalpak sila sa balak nila.
Noong 2007, unang beses kong magregalo sa mga inaanak ko. Moral lesson: huwag akong kuhaning Ninong.
Noong 2007, unang beses kong nag birthday at nag pasko na wala ang Mommy at Daddy ko. huhu... alam kong nababasa niyo ito. Bumalik na kayo sa bahay! huhu...
Noong 2007, unang beses yata dumami bigla ang mga get togethers at mga lunch/dinner outs. Nami-miss na siguro namin ang mga isa't isa.
Noong 2007, unang beses kong narealize na hindi ko tinutupad ang mga New Year's resolution ko. At narealize ko din na malaki sanang pagbabago kung natupad ko ang mga ito.
At ngayong 2008... wala lang. Ewan ko kung matutupad ko yung New Year's Resolution ko. Baka tamarin ulit ako at hindi ko ulit matupad.
HAPPY NEW YEAR!!! CHEERS FOR 2008!!! WOOOHOOO!!!
...
OK, tama na ang kasiyahan. back to work...
No comments:
Post a Comment