Thursday, January 24, 2008

problemado

Mga two weeks ago, nagsimula ng magpalabas ng emails yung company namin regarding discounted tix sa concert ng My Chemical Romance dito sa Pilipinas. 10% discount sa bronze tickets. Bale 600 yung orig price, tapos 540 na lang yung babayaran.

Wala yatang bumili kasi sobrang laki ng discount (sarcasm). Kaya para idispatsa yung mga sobrang tickets, ipinamigay na lang nila. haha! Fun diba?

Unahang mag-email ng employee number at name at kung ilang tix (max of two). Wala naman akong balak pumunta talaga, pero whadaheck! Nagbakasakali na rin ako na makakuha ng tickets at maging scalper sa Bonifacio Open Field. Ibebenta ko ng 1k each yung ticket. hehe...

Akalain mong nakapasok ako! Eh malas pa naman ako sa mga unahan unahan. Kaya may dalawa akong tickets ngayon. At nahihirapan ako kung sino ang isasama. Eh bukas mamaya na yun... what to do?

Parang trip kong ipamigay yung tix sa mga street children...para maiba naman. Hehe... adik.

Wednesday, January 09, 2008

100


Sa wakas, may picture na rin ako with Oble. haha! May Urban Legend kasi na kumakalat na hindi nakakagraduate/madedelay ang sino man na nagpapicture kay Oble before graduation. Uto uto naman ako at sumunod ako. Haha! Woohoo!

100 years. And I only spent time with it for only 4 years.

100 years of rich history. And I only experienced a part of it.

100 years of excellence. And I opted to be mediocre at best. Not giving 100% to everything that I did in order to excel.

100 years of fun. And I had a share of it during my stay. Overnights, parties, UP Fair. The list goes on and on.

100 years of trials and hardships. And I complained even with a simple one. From unanswered problem assignments and missed concerts to subjects in the risk of failing.

100 years of friendships made. And even I met only less than a 100 friends on my 4 year stay, I know (and I hope) that our friendship will stay for more than a hundred years.

100 years. More than a hundred things that I love in this University. More than a hundred things to be proud of it.

Happy 100th year anniversary, University of the Philippines!

More pictures in my multiply site here.


Wednesday, January 02, 2008

The year of firsts

Noong 2007, unang beses kong tumayo sa harap ng panel at magdeliver ng final thesis presentation. Sobrang kaba, pero sobrang fulfilling pagkatapos ng presentation.

Noong 2007, unang beses kong hindi makaranas ng kumpletong tulog for 2-3 weeks. Ang pagtulog ay isang pangarap lamang nung mga panahong iyon...

Noong 2007, unang beses akong grumaduate ng college. Obvious ba? siyempre first and last time lang yun mangyayari. haha!

Noong 2007, unang beses akong hindi nakareceive ng individual award noong graduation. Pero keri lang. Nagkaroon naman kami ng award ng thesismates ko dahil sa thesis namin.

Noong 2007, unang beses kong makaranas ng job interview. Unang beses ko rin inulan ng text messages at mga calls para sa mga job interview at offers.

Noong 2007, unang beses kong napuntahan ang Ortigas at Makati Central Business District para mag-apply ng trabaho at umattend ng mga interviews. Unang beses ko rin nakasira ng leather shoes dahil sa sobrang gamit.

Noong 2007, unang beses kong maligaw sa Makati.

Noong 2007, unang beses kong makaranas ng medical exam at... ayoko ng pag-usapan ang tungkol dun.

Noong 2007, unang beses kong nagkaroon ng trabaho. As in yung legal na trabaho. hindi kasi counted yung assignment/project maker na sideline ko nung high school ako. Hindi rin counted yung pagiging holdaper at snatcher sa may cubao.

Noong 2007, unang beses kong bumili ng mamahaling bagay gamit ang sariling pera. Hihi... feeling mayaman ampota.

Noong 2007, unang beses kong magbirthday na may "something explosive and monumental" na nagaganap (see previous blog post). Pero malas nila, pumalpak sila sa balak nila.

Noong 2007, unang beses kong magregalo sa mga inaanak ko. Moral lesson: huwag akong kuhaning Ninong.

Noong 2007, unang beses kong nag birthday at nag pasko na wala ang Mommy at Daddy ko. huhu... alam kong nababasa niyo ito. Bumalik na kayo sa bahay! huhu...

Noong 2007, unang beses yata dumami bigla ang mga get togethers at mga lunch/dinner outs. Nami-miss na siguro namin ang mga isa't isa.

Noong 2007, unang beses kong narealize na hindi ko tinutupad ang mga New Year's resolution ko. At narealize ko din na malaki sanang pagbabago kung natupad ko ang mga ito.

At ngayong 2008... wala lang. Ewan ko kung matutupad ko yung New Year's Resolution ko. Baka tamarin ulit ako at hindi ko ulit matupad.

HAPPY NEW YEAR!!! CHEERS FOR 2008!!! WOOOHOOO!!!

...

OK, tama na ang kasiyahan. back to work...