Monday, January 08, 2007

for the sake na may update

Ito ay isang bagong post.haha!

Wala akong napamaskuhan nung Pasko. Pero hitik sa pagkain. Yung dadalawang niregalo sa akin ay talagang gusto at inaasam ko.

Boring ang New Year. instead of celebrating it sa bahay, pumunta kami sa isang hotel sa bandang Makati at dun pinalipas ang bagong taon. Pero tinulugan ako ng mga kasama ko. Kamusta naman? So lumabas ako ng hotel ng bandang 11:30 at naghanap ng pwedeng puntahan. After some walking, napadpad ako sa paseo de roxas at nakapanoo ng 20 minute fireworks display right in front of me. Iba pala talaga ang feeling pag halos nasa harapan mo lang yung fireworks. May extrang kabog sa dibdib. Mas nakakaexcite.

Sinalubong ko man ang aking Bagong Taon ng nag-iisa, babalik at babalik din ako sa aking pamilya. (read:bumalik ako sa hotel at uminom kami ng white wine.)

At ngayon may pasok na naman. Nakumpleto na ang tulog ko. Kelangan bawasan ang timbang gawa ng fruit salad, hamon at halayang ube.

Late na pagbati: CONGRATS YENG!

1 comment:

Adrian said...

nahahawa na ako sa mga "from hell" statements mo! hehe :D