Wednesday, January 24, 2007

edit sa post sa baba...

May planner na ako!hehe...Thanks to Roro, TJ and the woman falling in line behind us for giving my one final sticker. Sa wakas, pwede ko na siyang ipamigay. JOKE!

So many things to do this last week, lalo na yung last week! Job Fair kasi sa Engg last week (kumikita ang computer shops at mga xerox people para sa pagprprint ng resume at pagrerecopy ng TCG). Ngayon naman ay University wide Job Fair sa Bahay ng Alumni. Pumunta ako kanina at nagbigay ng mga resume...ewan ko na lang kung qualified ako. Hindi ko kinaya ang mga companies na sooper (with a capital S) sa pagiging aggresive in pulling you to their booth.

I had my very first interview last Friday, and (I think) it went very well naman. Ewan ko lang yung technical interview na mahirap daw yung problem. Let's just wait and see.

Sana makuha ako ng dream company ko...or maski ano na may mgandang sahod at benefits.keri na. Pero sana makagraduate ako. hekhek...

Sobrang sikat na talaga sa Ederlyn. OO, si Ederlyn, ang alamat ng forwarded quotes. Marami ng buhay ang pumapalibot sa kanya

Edralyn -kakambal/kapatid nya yata
Simplicia - nanay niya. hayop sa name!
Danny/Arman - boyfriend ni Ederlyn. Dalawa yung versions, pero mas tama yata yung kay Danny.
Trixie - pusa ni Ederlyn. Hindi ko kinaya 'to!
Thelma - Avon dealer ni Ederlyn (eto ang hindi ko kinaya talaga!)
Eduardo - Barangay Tanod. nagtext siya kagabi, naaksidente daw yung magkapatid. Nahagip ng trike habang tinetext kami. hehe...sorry ederlyn and edralyn!
Val - ex-bf ni edralyn. Tigilan na daw namin sila.

Eh ano magagawa namin? Ang saya kaya magforward ng messages nila!

No comments: