Tuesday, September 26, 2006

LSS

Sobrang LSS ako dito sa kanta na ito! since nung weekend pa. Primarily because ito yung kinanta ni Yeng of PDA nung sabado (kahit hindi ko napanood, napanood ko yung rehearsals). And it is stuck in my head for 4 days na! This song is revived by Moonstar88, hindi ko nga lang alam yung original. This is one of the best songs evah! The melody, the lyrics, its so hypnotic.

Ang Pag-Ibig kong Ito
Moonstar88

Umiiyak ang aking pusong nagdurusa
Ngunit ayokong may makakita
Kahit anong sakit ang aking naranasan
'Yan ay ayokong kanyang malaman

Refrain:
Mga araw na nagdaan,
kailanma'y hindi malilimutan
Kay tamis na raw ng pagmamahalan
Ang akala ko'y walang hangganan

Chorus:
Ang pag-ibig kong ito
Luha ang tanging nakamit buhat sa'yo
Kaya't sa Maykapal
Tuwina'y dalangin ko
Sana'y...

(Repeat All)

Kapalaran ko ay magbago

(repeat Refrain)

(repeat Chorus)

Kapalaran ko ay magbago

its been a long time

Haaaay! Ang tagal ko ng hindi nakakapag-blog. Busy-busyhan ako sa maraming bagay.

Last week, isang exam, isang paper at isang report. Dagdagan mo pa ng marketing congress. Sobrang daming ginawa. Pero, natapos ko naman yung paper, hindi masyadong nahirapan sa exam at ok lang yung report. Yung marketing congress, third kami! We didn't expect it talaga considering maraming magagaling. Kaya mayroon na akong "official" medal/award from UP. Yehey! Plus, 10,000 pesos (divided into 5, kaya 2k sakin). Yehey ulit!

This week, sobrang dami din ng gagawin. Machine Problem, thesis, CS173 project. Haggard. Pero i can't believe na matatapos na yung sem. Amazing!


Wednesday, September 13, 2006

GRAD PICS!

Nakuha na namin yung contact prints namin last week. OK naman ang kinalabasan. Siguro dahil sa photoshop. Here are some of them:

Here ( I think) is my best pic. Wala lang. Pero ayos ang smile ko dito, parang natural. hindi pilit. Nung elementary kasi para akong najejebs. Ngayon ok na.


Ayoko na maglagay pa ng solo pics! Next na lang yung napili kong iparecopy na barkada pic.





Sosyal! Pangit kasi yung ibang pic kaya eto napili ko. Wala lang din. Mabuti nga nakapunta sila sa barkada pic ko. Hehe...




Banahaw Expeditions

Sorry for the very late update. Been busy this few weeks. Lalo na nung pumunta kami sa Banahaw last weekend.

For 1,350 pesos, we will go to Dolores Quezon and stay there for two days to do different kinds of stuff. Masaya yung dalawang araw, hindi sayang ang pera.

Sa first day, yung mga pinuntahan namin ay yung Sta. Lucia Falls, kung saan "bininyagan" kami at nilublob sa ice-cold water. As in ice cold. Kaya marami ang nagkapulikat. Im lucky I'm not one of them. Another memorable experience is the Husgado, a cave where, they say, hindi nakakalabas ang mga makasalanan. Siyempre kinabahan naman ako. Ayoko namang ma-stuck dun forever at dalhan na lang nila ng pagkain. Mabuti naman at nakalabas ako.

When night came, nagpulasan ang mga tao to freshen up. Kaw ba naman ang umakyat ng bundok at pumasok sa kweba buong araw. Pero kelangan daw magtipid sa tubig. Ayos na daw ang mga 3 buhos. Mabuti may extra water na dumating, courtesy of the fire hose na sobrang lakas ng pressure na nakasakit kay Sir Nilo (our prof) and one of my groupmates. Mabuti hindi sila tuloy-tuloy mahulog sa bangin. After the sharing and inuman sessions later that night, we all went to sleep. SOBRANG LAMIG! yun lang masasabi ko.

The next day was even tiring. We went to Kalbaryo, a mountain with a sacred cross on top. Fatale ang pag-akyat dun. Feeling ko nag-lose ako ng 10 pounds (I wish) sa pag-akyat. Pero ayos ang feeling pag nasa tuktok ka na, wala na lahat ng pagod mo.

Tapos bumaba na kami ng bundok at bumalik sa base. After lunch, we went to Kinabuhayan. Sobrang dami din namin ginawa dito. Naghike, pumasok sa mga kweba, nag-hoke, pumasok ulit sa kweba. And after that, dinala nito kami sa isang waterfalls. Ayos! Kahit medyo madumi yung tubig, pwede pa naman siya paliguan. Hindi rin ako tumalon sa itaas nung falls kasi ayaw kong isugal ang buhay ko. Sayang nga na nung last day lang kami nakapagbonding ng mga groupmates ko. Masaya din palang sumakay sa itaas ng jeep.

Then we went home. At eto pa, may inuman pa ng lambanog sa loob ng jeep pauwi. Pero dahil sanay na ako (ng konti), hindi ako nahilo. Para ngang walang epek eh, siguro mas nasaany na ako sa gin kaysa lambanog. Dumaan din kami sa Colette's para bumili ng buko pie. Para siguro bawiin ang nawalang calories sa amin.

That trip is truly a great experience, both spiritually and physically. You can do things that you thought you can't do. Taba ko na ito, nagkasya ako sa mga kuweba? Enjoy talaga, sana may next time.

Calling CURSOR or LAKAN! Pwede Semender dito! XD

Monday, September 04, 2006

Definitions: The Return

OK. I got famous (in CURSOR and among my friends) because of giving new *and corny* definitions to existing things. Well, I'm back! And I made all of these definitions during CS131 Numerical Methods. Halatang bored. hehe...

1. Poisson - (1) n. lason (2) n. yung part ng body na sa ilalim ng bellybutton (sumasakit ang poisson ko!!!)

2. Assume - n.isang sapatos

3. edge - edad. naalala ko bigla ang isang text joke.
Beauty Pageant...
Host: Candidate number 1. your question: What is your edge over the other contestants?
C#1: MABUHAY!My edge...over the other contestants...is 20 years old. (this made me laugh)

4. transient - using it in a sentence...

"Uy pare, wag na tayo sa FX sumakay. Sa Baliwag Transient na lang!"

5. Fahrenheit - using it (again) in a sentence...

"Uy tignan mo yung girl, ang ganda! Pero sayang fahren, heit na lang ang kulang..."
(para sa mga hindi nakagets...pero sayang pare, height na lang ang kulang)

Stop the corniness! Vote me, I will be the next Philippine Idol!!!