Day 1, Saturday: First Time in Recto
Since I am the Logistics Head for the upcoming @rte movement (plugging), ako ang pinapunta nila sa Recto para maghanap ng GLASS trophy. Daming beses na akong nagbalak na pumunta sa Recto pero hindi pa natuloy. And finally, after some days of praying, natuloy na. Marami akong naririnig na masamang balita about Recto: holdapan, snatchan, chorvahan. Natakot naman ako. Pero being the adventurous person, balak kong pumunta mag-isa. Pero the intelligent side of me said na isama mo ang mommy mo, iwasan ang disgrasya, iwasan ang maligaw.
So sinama ko na nga ang mom ko papuntang Recto. Sumakay kami ng Quiapo Jeep sa may E.Rodriquez. Para akong bata na kulang na lang ay ilabas ang ulo ko para tignan ang view sa labas. Amazing talaga, para akong ibong nakawala sa hawla ng Quezon City.
Pagkababa namin sa...actually hindi ko alam yung street na yun na perpendicular sa Recto. Meron na dung mga pagawaan ng trophies. At pagliko namin sa MISMONG Recto, I was shocked. Traumatized. Afraid. Some men approached us na parang manghoholdap. OMG, sabi ko sa sarili ko, dapat pala hindi na kami pumunta. Mapapahamak pa kami. Nang akala ko ilalabas na nila ang icepick, nilapitan lang pala kami para pumunta sa stall nila at tumingin ng trophy. Wheeew...ang weird naman, sabi ko. Kelangan ka pang sindakin para makakuha ng customer. Pero eventually, nakumbinsi nila kami kasi sila yung pinakamura na nakita namin. Effective pala ang ganung strategy.
After some libot libot (ang panget!), umuwi na kami. At dahil parang mas matagal pa ang biyahe sa jeep kaysa sa pagtingin namin ng trophy, nag LRT-2 na lang kami. Ganun pa rin siya, maluwang, pwede magpatintero sa loob, sana ito na lang yung ilagay sa EDSA. Kumain kami ng mom ko sa Max's sa Gateway. Yun lang, nakakahighblood na kasi yung mga susunod na nagyari kaya hindi ko na ikukwento.
Day 2, Sunday: Kape na naman
Dahil mayroong assignment sa amin para sa Marketing Congress at kailangan ko ulit matuto magprogram using C, nagkape ako sa Morato at dun ko na lang ginawa ang kailangan gawin. Imbes na Mocha Freeze, nagtry naman ako ng iba, Black Forest Freeze naman. Masarap naman siya, pero feeling ko tumindi ang diabetes ko pagkatapos kong uminom, at may bonus cherry pang kasama. At second straight time ko ng nakikita yung isang actor sa ABS na hindi ko alam ang name na palaging pumapape bilang tatay o driver. Suki siguro siya.
Day 3, Monday: Mall Hopping
Ninoy Aquino day, walang pasok. Boring. Umuulan. So mga bandang 2:30, naglakwatsa ako. Iniwanan ko ang karamihan ng pera ko sa bahay para maiwasan ang paglulustay. Pero dahil inubusan ako ng lunch ng aking mga mabubuting kasambahay, kumain muna ako sa labas ng bahay namin para tipid. So feeling niyo naman wala akong pera at hindi ako makakakain mag-isa?HAHAHAHAHA!!!
Anyweyz, first stop: Gateway. Actually hindi na ako dumaan dun, nakakasawa na kasi. Sa paligid na lang ng Araneta Coliseum ako dumaan kahit puro kainan lang ang makikita. Enjoy naman yung mga babes na umiinom ng coffee at kumakain ng cake.
Second stop: SM Cubao. Wala naman akong pera, kaya nilibot ko lahat ng floors ng department store. AY, isang malaking department store nga lang pala ang SM Cubao, sorry. Baka makakita rin ako ng idea para sa marketing strategy namin for Marketing Congress.
Last Stop: Ali Mall. First time ko dito, sa mall na pinangalan kay Muhammad Ali. Masakit na yung mata ko pagtungtong ko sa Ali Mall. Nakasagap yata ng sore eyes papunta. Kaya one floor lang yung nalibot ko, and I decided na umuwi na kasi nagrereklamo na yung paa ko.
Moral Lessons:
Dapat may kasama sa Recto kapag first time mo pumunta.
Patience is a virtue.
Maluwang ang LRT-2. May matandang nakasakay na ayaw sa maiingay na kabataan.
Masarap ang kapeng mahal. Mas masarap kapag may pera kang pambili.
Huwag magmukmok sa kwarto para ipagtabi ka ng pagkain sa mesa.
No comments:
Post a Comment