Shet! Kakatapos lang ng exam puro objective. Nakakainis! Na mental block pa ako...Oh well, medyo confident pa naman ako sa magiging results.
It's all because todo review ako kahapon. Hindi naman whole day, nakapag-ISOC pa nga kami eh, committee namin ang may sponsor. Modified speed yung ginawan ko ng rules at pinasinayaan. Yung isang game, pinoy henyo. Pero...nagkaroon daw ng dayaan. Ah, basta. Ayaw ko ng ungkatin ang issue. Ang sa amin lang, kung nagkaroon talaga ng dayaan, mayroong mga apps na kasali, bad example yun sa kanila. Yun lang.
So, nagdecide na lang kami ni bespren TJ na magreview ng aming upcoming exam (yung exam ko ngayon). Pero saan? At sa SM North kami napadpad.
Nagdinner muna kami sa BK (unlimited drinks!woohoo!) at nag coffee sa Starbucks. Sosyal! May tira pa kasi akong sweldo from the SA salary noong June kaya may pera ako. At venti pa talaga ang inorder. Minsan lang mgpaka sosyal ang jologs, pagpasensiyahan niyo na.
So review naman kami. Tapos ng bored na, napag-usapan (na naman) ang tungkol sa magiging trabaho pagka-graduate namin. Marami akong natutunan sa kwentuhan namin ni TJ. Hindi lang grades ang batayan ng pagkakatanggap sa trabaho. Ano napatunayan mo kapag mataas ang grades mo? Matalino ka. Yun lang. Eh pano ang katulad ko na hindi kataasan ang grades? Sabi nga ni bespren, bawiin sa ibang aspeto.
Merong nagtanong sa akin dati (isang tao na good for nothing). Bakit ka pa ba sumasali sa mga org org? Ano ba mapapala mo diyan? Ang nasabi ko nun, para sa resume. Pero may iba pa palang sagot dun.
He can't understand me kasi magkaiba kami ng course. Nursing siya, ComSci ako. Hindi nila kelangan ng extra curricular activities, kelangan lang nila ang kakayahan para makatulong sa maysakit. Iba kami. Kelangan makita ng mga companies na pwede kaming makipag-deal at lead sa iba't ibang klase ng tao. Iba kami, tanggapin mo yun (bitter?haha).
Anyways, effective yung venti mocha frap. Hindi ako nakatulog until 2AM. Usually kasi tulog na ako ng 11PM. May napanood pa ako sa HBO kagabi. About an Alanis Morisette look alike girl with a gift of reading people's thoughts. At first, akala nila psycho siya because she is hearing so many voices in her head. Pero, yung mga voices pala na iyon ay thoughts ng maraming tao. So a person helped her to focus her thoughts and just listen to the thoughts of a particular person she is looking into. Astig no?! Pero she found out that she will be used for NSA (National Security Agency) for the nation's security (sa mga interrogations). Nag freak-out siya pero eventually pumayag siya. Thoughtcrimes yata ang title ng movie. I was glued to the TV screen, pero nakapagreview pa naman ako.
How fun could it be if I am a telepath? Masaya siguro marinig mga dirty thoughts ng mga tao. Haha...naughty me!
No comments:
Post a Comment