"What's wrong spending my first 16 years of my life alone and spending the rest of my life searching and eventually finding the right one?"
Yan ang drama ko nung naging 1st year college ako. At siguro yan din ang isasagot ko kay Kris Aquino kapag nakasali ako sa Game KNB at intrigahin niya ang lovelife ko. Hanggang ngayon, iyan pa rin ang prinsipyo ko sa buhay, except yung 16 naging 20 na. Apat na taon na pala ang lumipas...
SO what happened in my first four years of searching? Well, marami akong kinilala at nakilala. Hanggang doon lang. Hindi na ako nag-abala pa na mahulog ako sa kanila kasi sa tingin ko hindi sila yung tao na yon. Natuto na rin kasi ako. Ayoko ng umasa, mas masakit kasi. Mas mabuti ng hindi gawin hanggang maaga pa lalo na kung sa umpisa pa lang may alinlangan ka na.
Pero sa isang pagkakataon, mabibigla ka na lang yung tao pala na hinahanap mo, hindi na kailangang hanapin. Mabibigla ka na lang na makakasalubong mo siya habang nakapila before enrollment. Lalo na kung kaklase mo pala siya sa isang subject at hindi mo maiwasang tumitig sa kanya ng matagal. Lalo pa kapag nakausap at nakilala mo na siya at nalaman mo na siya pala ang tipo mo.
Mapapatanong ka naman sa sarili mo: "Siya na ba yon?". Patay na, hindi ka na makatulog. Patuloy na nag-iisip sa tanong na yon. Marami kang mararamdaman. Takot, kaba, saya, inis, constipation. Halo halo na yan sa loob ng katawan mo. At bigla mo na lang isasagot na hindi pa pala siya iyon.
Marami kang rason kung bakit. Sobrang dami na ayaw mo ng isipan pa uli. At kapag inisip mo pa, baka sisihin mo pa ang sarili mo kung bakit hindi mo pa tinuloy. Maiisip mo din na hindi lang siya ang babae sa mundo na tipo mo. Marami pang tao diyan. Malay mo, mayroon pala siyang mahabang buhok sa kili kili. Diyahe naman kung ganun.
Hindi pa rin mawawala ang gabay ng pamilya. Tapusin mo muna pag-aaral mo. Sasabihin nila na mas maganda kung katrabaho mo yung makakatuluyan mo. Pareho na kayong may direksyon ang buhay. Alam niyo na ang tama at mali. Malay mo, kayo pa ang maging mag-asawa. Huwag kang tutulad sa mga kapatid mo. Huwag ka magpadala sa init ng katawan. Mga ganung klaseng bagay. Masuwerte ako at pamilya ko sila, kaya dapat maging maswerte rin sila sa akin.
Masaya ka ba kung marami kang inibig?
Masaya ka ba kung maraming beses ka na umiyak sa taong kinahuhumalingan mo?
Masaya ka ba kung maraming beses ka ng nagpaiyak ng mga taong nahuhumaling sayo?
Ako, magiging masaya ako kung nakilala ko na yung taong yon. Yung kukumpleto sa pagkatao ko, in the right place, in the right time, in the right situation.
...At masaya ako kung palaging nandyan ang mga kaibigan ko. At may frap/freeze/javakula. At cheesecake. At dewberry.At hindi ako bagsak sa exam..
No comments:
Post a Comment