My eyes are still watery...Ewan ko ba. Nagsimula siya nung umuwi ako ng Bulacan nung Saturday. Tapos nag sneeze ako ng madaming beses. Allergy? Colds? I don't know...pero my eyes got watery all throughout the day.
Our provincial organization had a new and large event this weekend. Pambatang Buklatan. You will donate books and you will get a raffle coupon in order for you to win a cellphone. Bonga! Sponsor nga pala nila ang isang telecom company. And we did that event sa isang mall sa province namin. Big time na talaga yung org namin. Dati nagpa-quiz show kami sa SM Marilao, akala ko hindi na siya masusundan.
The applicants of our org had a presentation. A play about Niko the...something. Ok na sana yung presentation kung hindi lang sa crappy sounds (3 microphones lang kasi ang gamit nila. Tapos hindi nila pwede hawakan yung mic kasi diyahe.) Overall, maganda yung presentation, natuwa naman (yata) ang mga bata na andun. Pero natakot sila kay Bebang na manananggal na part ng play.
I forgot. Bigla nga palang dumating yung mom, dad at mga pamangkin ko bago magsimula yung program. Nakakashock. Family support sa event ng org namin? Galing!
After the event, nagpulasan na ang mga apps para magpa-sig sa mga members. At dahil hindi ako masyadong tumatambay sa org namin, in demand ako at dinumog na parang artista na gustong hingian ng autograph. Feeling artista na dapat ako ng may nag-approach sa akin at nagtanong..."Alumni po kayo?"
Grabe, hindi ko alam kung magagalit o matatawa ako. Pero I laughed pa rin (kahit na deep inside...) O well, malaki naman akong tao, pero yung face hindi. Kaya naiinis pa rin ako. Hindi ko makakalimutan yung girl na yon. Pero at least nakilala ko siya kagad.
Then, we had our lunch sa KFC. Libre ng Globe. Chicken, rice, mashed potatoes, at softdrinks. Ok na, libre naman eh. Remember Bebang the manananggal? Hindi pa siya nagpapalit ng costume! At nakakatawa yung mga reactions na nakatitig sa kanya behind the glass walls na parang nakita nila si Ursula sa loob ng isang malaking aquarium.
After lunch, some of the applicants decide to watch Sukob. Napanood ko na eh, kaya hindi na ako sumama. So umuwi na lang kami. I left Bulacan at around 6PM at lumuwas papuntang Kamuning. 50 minutes lang ang biyahe thanks to the new NLEX and I made a one man vigil sa harap ng TV para sa telecast ng Philippine Idol.
Many things are in store for me this week. Exams, reports, and others. I think I wont be updating my blog soon...
No comments:
Post a Comment