Saturday, January 03, 2009

2008: The year that was (walang maisip na title)

The year 2008 has been a very wonderful year to me. Naks, ayos sa intro. Haha! Seriously, madaming blessings na dumating at madami ding lessons na natutunan. Kaya marami akong kelangan ipagpasalamat.

Thank you Lord for my health and also my family’s. Walang naaksidente, walang naospital. Ang pinakamalala lang ay sipon, ubo at fungal infections.

Speaking of family, salamat sa support at love na binigay nila sa akin. Hindi ko matatamo ang tagumpay kung hindi dahil sa kanila. Feeling successful. haha

Thank you Lord for my friends. Elementary, high school, college,housemates and workplace friends. Salamat sa pag-intindi sa mga mood swings (kung meron) at sa pagkakuripot (sure ito). Thank you for the friendship and the company. Hindi ko na ieenumerate lahat ng friends ha. Basta thank you.

Thank you din sa Philippines at marami na din akong napuntahan na tourist destinations for the first time ngayong taon. Puerto Galera, Sagada, Cagayan de Oro at Camiguin. Looking forward to visit more and more beautiful places. WOW Philippines ito!

Thank you SMART for my new camera. Haha. Matagal ko na pinapangarap magkaroon ng DSLR at kumuha ng mga bonggang pictures and pursue my longtime hobby.

At higit sa lahat, thank you Lord for giving me one of the greatest gifts and surprises this year, Melanie. It’s very nice to know that there is someone who loves me and someone worth loving. I love you hon! Mwahugs! Ahihihihi... :)

Yun lang. Salamat talaga sa taon na ito. I’m ready to face the new challenges that will come my way this year. 2009, here I come! (ang cliche amf)