Akala ko ordinaryong umaga na naman ang bubungad sa akin ngayong araw. Pero hindi pala...
Ready na akong umalis ng bahay. Ready na ang gamit. Maayos na ang buhok. Lumabas na ako ng gate ng bahay.
Hindi pa ako nakakalayo sa gate, may nakita na kaagad akong dalawang lalake sa may tindahan na sa mga oras na iyon ay sarado pa. Pero may kakaibang ginagawa. Hmmmm.... Alam mo bang ginagawa nila? Yakap yakap nial ang isa't isa. As in nagyayakapan sila! yung tipong yakapan na parang matagal na silang hindi nagkikita at habang nakayakap eh bubuhatin yung isa habang umiikot. Ganung level!
So para hindi makaistorbo sa kanilang "intimate doings" (read: brokebackan), hindi ko na lang sila pinansin. Pero (at malaking pero ito ha!), bigla akong tinawag nung isang nagbubuhat.
"Kuya, kuya. patulong naman."
Kuya ka jan! Mas mukha kang matanda sa akin noh! Pero mas nabigla ako kasi bakit naman niya ako tinawag. Ayoko namang makijoin sa kanila kasi imoral (tsaka maaga pa. hehe...). Pero lumapit pa rin ako, being a helpful person to the society (naks!)
"Kuya, patulong naman. Nagtatangkang magpakamatay yung kasama ko..."
HUWAAAAAAAT!!! (at malaking huwaaaaaaaat ito!) Nagpapakamatay?! Nashock naman ako. Bakit? Paano? Saan? Subalit, datapwat...
Pagkalapit ko, tsaka ko lang napansin. May manipis na cord na nakapalibot sa leeg nung lalakeng buhat buhat nung isa na nakatali naman sa mababang shed ng tindahan. At kaya pala niya binubuhat ay para hindi sumayad yung paa niya sa lupa.
Natulala ako. First time ko kasing makakita ng nagbibigti in person. Parang yung first time kong nakakita ng artista. parang ganun. At talagang nasa harapan ko lang ang nagbibigti ah. Napansin ko din ang mga bote ng Red Horse sa isang tabi. Siguro tungkol sa lovelife ang problema nito. Ano pa ba ang pwedeng dahilan?
"Pakuha naman ito."
Hawak hawak niya ang isang lighter. Hindi niya masunog yung tali kasi buhat buhat niya yung kaibigan (?) niya. Kaya kinuha ko yung lighter. Dapat ako na ang susunog nung tali pero shocked pa rin ako, nanginginig ang aking buong katawan. Joke lang, hindi ako ganun kaarte. Inabot ko sa kanya yung lighter. At biglang binitawan niya yung pagkakabuhat sa lalake.
HUWAAAAAAT! Binitiwan niya!
Pero abot pala ng ugok yung lupa. Peste! Nagpasalamat na siya sa akin kahit wala naman akong ginawang tulong.
Ano ang moral lesson dito? Hindi ako mangangaral dito tungkol sa suicide kasi bahala kayo sa buhay niyo. Sabi nila, diretso sa impiyerno ang mga nagpapakamatay. pero siguro wala kayong pakialam kasi baka hindi naman kayo naniniwala sa impyerno. Pero kahit hindi kayo naniniwala sa impyerno, at sa tingin niyo ay hindi naman malulungkot ang buong mundo sa pagkamatay ng isang tao, nagkakamali kayo. May malulungkot din. Ang pamilya mo, kaibigan, kaklase, mga ex, at higit sa lahat, ang mga pinagkakautangan mo ng pera na hindi mo pa nababayaran.
Tama na ang drama. Bahala kayo. Pero kung magpapakamatay kayo, dapat yung maganda ang kalalabasan, hindi yung pangit ka at hindi ka kaaya-ayang tignan sa burol kapag nasa kabaong ka na. Piliin ang paraan ng pagpapakamatay na hiyang sa iyo. At kung magbibigti ka, siguraduhing mataas yung pagsasabitan mo ng tali. Masakit kasi sa leeg kapag mababa lang...