Kung kailan alam ko na ang paraan para ma-access ang youtube at maging unlimited ang surfing time ko sa karamihan ng sites (katulad ng blogger) eh tinamad naman ako sa pagsusulat ng entries. Shungak talaga.
Monday, June 18, 2007
Friday, June 08, 2007
praning sa polo
Ano pagkakaiba ng org/school shirt sa polo/shirt?
Kapag suot mo ang iyong org/school shirt at nakakita ka ng kapareho, matutuwa ka kasi malalaman mo na you came from the same org/school. Meron kayong something in common, kumbaga.
Pero kapag suot mo ang isang polo at nakakita ka ng kaparehong design, as in parehong pareho, aba! Ibang usapan na yan.
Pinoproblema ko lang kasi yung polo ko na binili ko last year. Polo siya na Colours ang tatak, tapos yung may bulaklak design pero mukhang panlalaki pa din. Eh akalain mong 3 na ang nakikita kong kapareho yung polo na iyon. Isa sa may MRT station tapos dalawa dito sa may office namin. Huwat?! Akala ko pa naman limited edition ang polo na ito. Yun pala, pare-pareho yata naming binili ito ng nag sale sa Glorietta o SM.
Sorry kung pinoproblema ko ang mga maliliit na bagay, pero nakakailang lang kasi kung nagtiyempo na nagkapareho kami ng suot. Katulad ng nangyari sa akin nung isang araw. SUot ko yung polo na iyon. Tapos pagpasok ko sa pantry para uminom ng tubig, nakita ko ang isang tomboy (ewan ko kung tomboy, pero may boobs eh, kaya siguro tomboy nga) na kapareho ng suot ko. WTF?! Kaya minadali ko na lang ang pag-inom ng tubig at lumabas na parang najejebs.
Actually, dalawa ang pwedeng gawin kapag nakakita ka ng taong may kapareho mong suot. Una ay yung ginawa ko. Pangalawa ay lapitan siya at sabihing:
"Nice polo you got there. You've got great taste!"
Pero baka akalain ng kinakausap mo na nakikipag-flirt ka. At baka magtaka siya kung ano ang sinasabi mo na "great taste" eh wala naman siyang dalang kape.
Kaya nanawagan po ako sa Colours na tigilan na ang pagmanufacture ng polo ng sinasabi ko. At sa lahat ng mga nakakabasa na ito na may kaparehong damit, pakisabi lang po kung kailan niyo ito isusuot para hindi ko isusuot sa araw na iyon. Kapag kasi nagkasalubong tayo eh baka tuluyan ko ng sunugin ang polo ko.

Subscribe to:
Posts (Atom)