Wednesday, February 06, 2008

Kill joy

*gasp!*

After experiencing freedom for two months, the sometimes bored office computer-user when no work is to be done(like moi) meets it's worst enemy (again), the dreaded Surf Control.



This thing/pest is said to be existent on companies where data security and integrity is top priority (like my company. sheeesh). Or they just don't want the employees to waste bandwidth by checking their officemates Friendster/Facebook profile or exchange messages through YM. Or they just don't want the common employees to waste precious bandwidth so that the IT-Sec personnel (that implements the Surf Control) will continue to play DoTA with minimum lag.

Gone are the days of Friendster, Facebook, Youtube, Multiply (gasp!) and YM that we experienced for two months (some say the license for the surf control ended last November). Even the proxies that let's you surf past the surf control is not working.

But they always say, if there's a will, there's a fortune! (corny). I have some tricks up my sleeve, I tell you. You will still continue to see me with an online status in YM. Without the dynamic status message of my currently playing song in my iTunes, of course.

Thursday, January 24, 2008

problemado

Mga two weeks ago, nagsimula ng magpalabas ng emails yung company namin regarding discounted tix sa concert ng My Chemical Romance dito sa Pilipinas. 10% discount sa bronze tickets. Bale 600 yung orig price, tapos 540 na lang yung babayaran.

Wala yatang bumili kasi sobrang laki ng discount (sarcasm). Kaya para idispatsa yung mga sobrang tickets, ipinamigay na lang nila. haha! Fun diba?

Unahang mag-email ng employee number at name at kung ilang tix (max of two). Wala naman akong balak pumunta talaga, pero whadaheck! Nagbakasakali na rin ako na makakuha ng tickets at maging scalper sa Bonifacio Open Field. Ibebenta ko ng 1k each yung ticket. hehe...

Akalain mong nakapasok ako! Eh malas pa naman ako sa mga unahan unahan. Kaya may dalawa akong tickets ngayon. At nahihirapan ako kung sino ang isasama. Eh bukas mamaya na yun... what to do?

Parang trip kong ipamigay yung tix sa mga street children...para maiba naman. Hehe... adik.

Wednesday, January 09, 2008

100


Sa wakas, may picture na rin ako with Oble. haha! May Urban Legend kasi na kumakalat na hindi nakakagraduate/madedelay ang sino man na nagpapicture kay Oble before graduation. Uto uto naman ako at sumunod ako. Haha! Woohoo!

100 years. And I only spent time with it for only 4 years.

100 years of rich history. And I only experienced a part of it.

100 years of excellence. And I opted to be mediocre at best. Not giving 100% to everything that I did in order to excel.

100 years of fun. And I had a share of it during my stay. Overnights, parties, UP Fair. The list goes on and on.

100 years of trials and hardships. And I complained even with a simple one. From unanswered problem assignments and missed concerts to subjects in the risk of failing.

100 years of friendships made. And even I met only less than a 100 friends on my 4 year stay, I know (and I hope) that our friendship will stay for more than a hundred years.

100 years. More than a hundred things that I love in this University. More than a hundred things to be proud of it.

Happy 100th year anniversary, University of the Philippines!

More pictures in my multiply site here.


Wednesday, January 02, 2008

The year of firsts

Noong 2007, unang beses kong tumayo sa harap ng panel at magdeliver ng final thesis presentation. Sobrang kaba, pero sobrang fulfilling pagkatapos ng presentation.

Noong 2007, unang beses kong hindi makaranas ng kumpletong tulog for 2-3 weeks. Ang pagtulog ay isang pangarap lamang nung mga panahong iyon...

Noong 2007, unang beses akong grumaduate ng college. Obvious ba? siyempre first and last time lang yun mangyayari. haha!

Noong 2007, unang beses akong hindi nakareceive ng individual award noong graduation. Pero keri lang. Nagkaroon naman kami ng award ng thesismates ko dahil sa thesis namin.

Noong 2007, unang beses kong makaranas ng job interview. Unang beses ko rin inulan ng text messages at mga calls para sa mga job interview at offers.

Noong 2007, unang beses kong napuntahan ang Ortigas at Makati Central Business District para mag-apply ng trabaho at umattend ng mga interviews. Unang beses ko rin nakasira ng leather shoes dahil sa sobrang gamit.

Noong 2007, unang beses kong maligaw sa Makati.

Noong 2007, unang beses kong makaranas ng medical exam at... ayoko ng pag-usapan ang tungkol dun.

Noong 2007, unang beses kong nagkaroon ng trabaho. As in yung legal na trabaho. hindi kasi counted yung assignment/project maker na sideline ko nung high school ako. Hindi rin counted yung pagiging holdaper at snatcher sa may cubao.

Noong 2007, unang beses kong bumili ng mamahaling bagay gamit ang sariling pera. Hihi... feeling mayaman ampota.

Noong 2007, unang beses kong magbirthday na may "something explosive and monumental" na nagaganap (see previous blog post). Pero malas nila, pumalpak sila sa balak nila.

Noong 2007, unang beses kong magregalo sa mga inaanak ko. Moral lesson: huwag akong kuhaning Ninong.

Noong 2007, unang beses kong nag birthday at nag pasko na wala ang Mommy at Daddy ko. huhu... alam kong nababasa niyo ito. Bumalik na kayo sa bahay! huhu...

Noong 2007, unang beses yata dumami bigla ang mga get togethers at mga lunch/dinner outs. Nami-miss na siguro namin ang mga isa't isa.

Noong 2007, unang beses kong narealize na hindi ko tinutupad ang mga New Year's resolution ko. At narealize ko din na malaki sanang pagbabago kung natupad ko ang mga ito.

At ngayong 2008... wala lang. Ewan ko kung matutupad ko yung New Year's Resolution ko. Baka tamarin ulit ako at hindi ko ulit matupad.

HAPPY NEW YEAR!!! CHEERS FOR 2008!!! WOOOHOOO!!!

...

OK, tama na ang kasiyahan. back to work...

Wednesday, December 05, 2007

birthday with a "bang"!

Ang totoong dahilan ni Trillanes kung bakit siya pumunta ng Manila Peninsula, isisiwalat na!

Noong Nobyembre 29, 2007, nagulantang ang mga taga-Makati ng biglang sumugod si Sen Antonio Trillanes IV sa Manila Peninsula Hotel mula sa kanyang hearing sa Makati Regional Trial Court. Pero lingid sa kaalaman ng nakararami, hindi pakay ni Trillanes at ang mga kanyang kasamahan na magdaos ng kudeta kundi kailangan lang talaga nila umattend ng isang birthday party sa naturang hotel. Siya daw kasi ay isang panauhing pandangal sa naturang okasyon bagamat hindi sila magkakkilala ng nagdadaos ng kaarawan.



Ngunit akala ni GMA na magdadaos ng kudeta sina Trillanes, kaya ginulo niya ang birthday party ng celebrant. At may regalo pa siyang tangke na nag grand entrance sa pintuan ng hotel, ngunit hindi naman ito ikinatuwa ng management ng hotel, lalong lalo na ng birthday celebrant. Hindi kasi kasya sa garahe.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Tama na ang kahibangan. haha! Salamat nga pala sa mga nakaalala sa birthday ko. Sa mga nalibre ko, pasalamat kayo kasi kakasweldo ko lang nung nakaraang linggo. Sa mga hindi ko nalibre, belat. haha! Cheers for my 21 years of existence! Shet, antanda ko na!

Tuesday, November 20, 2007

awake from a deep slumber

Kamusta naman ang title? Nahirapan akong isipin yan ha, mga 1 month din akong nawala para isipin yang title na yan! hehe...joke lang.

Bakit nga ba ako nawala ng isang buwan?

Hindi po ako nagkaroon ng lovelife. Alam niyo naman kapag magkaroon ng lovelife eh nafofocus ang attention mo dun. Katulad nga ng nasabi ko sa isang pagtitipon na naganap kagabi, ieenjoy ko muna ang buhay binata ko. Kaya tsaka na ako magkakaroon nun. Siguro after kong mag 21 years old next week (*wink* *wink* *cough* regalo *cough*)

Hindi rin po ako nasisante sa trabaho. Nagtraining po ako last week for five days sa isang lugar na walang internet kaya isang lingo din ako nawala sa cyberspace. Masaya din naman ako dito ngayon at every now and then ay sumasama ako sa mga gimik ng mga officemates ko. Ka close ko na din ang karamihan sa kanila. (Un)fortunately, wala pa akong kaaway. Wala pang mapapel dito eh.

Hindi rin po ako nangibang bansa at dun na nanirahan. Wala talaga akong balak mag-abroad anytime soon. Siguro kapag nakahanap ako ng trabaho na magbibigay sa akin ng 100,000 pesos a month with all benefits plus car and condo unit, tsaka ako lilipad patungong ibang bansa. Preferably sa Zambia.

Hindi rin po ako nakasama sa sumabog sa Glorietta. Hindi tumalab ang bomba sa body fats ko. joke lang.

Hindi rin po ako nalulong sa masamang bisyo. Hinding hindi ko sisirain ang buhay ko sa droga. Pero inaamin ko na napapalakas ang pag-inom ko this past few days. Ang saya kasi gumimik at mag get together eh. Ayan tuloy lumalaki ang tiyan ko. Nawawala na ang ab(s).

Hindi rin po ako nawalan ng idea kung ano ang isusulat sa blog ko. As a matter of fact, everyday nga pwede akong magsulat. Pero nakakahiya naman sa boss ko. Hehe... wala na nga akong ginagawa tapos nagb-blog pa ako? Abuso na masyado. haha

Eh bakit nga pala ako nawala ng 1 month?

Wala lang. Gusto ko lang hindi mag-blog. I need space! (parang si Basya sa One More Chance. Oo, napanood ko ang pelikulang yan).

Kaya...I welcome me back! Welcome, me!

haha...adik.

Tuesday, October 02, 2007

the weirdest morning

Akala ko ordinaryong umaga na naman ang bubungad sa akin ngayong araw. Pero hindi pala...

Ready na akong umalis ng bahay. Ready na ang gamit. Maayos na ang buhok. Lumabas na ako ng gate ng bahay.

Hindi pa ako nakakalayo sa gate, may nakita na kaagad akong dalawang lalake sa may tindahan na sa mga oras na iyon ay sarado pa. Pero may kakaibang ginagawa. Hmmmm.... Alam mo bang ginagawa nila? Yakap yakap nial ang isa't isa. As in nagyayakapan sila! yung tipong yakapan na parang matagal na silang hindi nagkikita at habang nakayakap eh bubuhatin yung isa habang umiikot. Ganung level!

So para hindi makaistorbo sa kanilang "intimate doings" (read: brokebackan), hindi ko na lang sila pinansin. Pero (at malaking pero ito ha!), bigla akong tinawag nung isang nagbubuhat.

"Kuya, kuya. patulong naman."

Kuya ka jan! Mas mukha kang matanda sa akin noh! Pero mas nabigla ako kasi bakit naman niya ako tinawag. Ayoko namang makijoin sa kanila kasi imoral (tsaka maaga pa. hehe...). Pero lumapit pa rin ako, being a helpful person to the society (naks!)

"Kuya, patulong naman. Nagtatangkang magpakamatay yung kasama ko..."

HUWAAAAAAAT!!! (at malaking huwaaaaaaaat ito!) Nagpapakamatay?! Nashock naman ako. Bakit? Paano? Saan? Subalit, datapwat...

Pagkalapit ko, tsaka ko lang napansin. May manipis na cord na nakapalibot sa leeg nung lalakeng buhat buhat nung isa na nakatali naman sa mababang shed ng tindahan. At kaya pala niya binubuhat ay para hindi sumayad yung paa niya sa lupa.

Natulala ako. First time ko kasing makakita ng nagbibigti in person. Parang yung first time kong nakakita ng artista. parang ganun. At talagang nasa harapan ko lang ang nagbibigti ah. Napansin ko din ang mga bote ng Red Horse sa isang tabi. Siguro tungkol sa lovelife ang problema nito. Ano pa ba ang pwedeng dahilan?

"Pakuha naman ito."

Hawak hawak niya ang isang lighter. Hindi niya masunog yung tali kasi buhat buhat niya yung kaibigan (?) niya. Kaya kinuha ko yung lighter. Dapat ako na ang susunog nung tali pero shocked pa rin ako, nanginginig ang aking buong katawan. Joke lang, hindi ako ganun kaarte. Inabot ko sa kanya yung lighter. At biglang binitawan niya yung pagkakabuhat sa lalake.

HUWAAAAAAT! Binitiwan niya!

Pero abot pala ng ugok yung lupa. Peste! Nagpasalamat na siya sa akin kahit wala naman akong ginawang tulong.

Ano ang moral lesson dito? Hindi ako mangangaral dito tungkol sa suicide kasi bahala kayo sa buhay niyo. Sabi nila, diretso sa impiyerno ang mga nagpapakamatay. pero siguro wala kayong pakialam kasi baka hindi naman kayo naniniwala sa impyerno. Pero kahit hindi kayo naniniwala sa impyerno, at sa tingin niyo ay hindi naman malulungkot ang buong mundo sa pagkamatay ng isang tao, nagkakamali kayo. May malulungkot din. Ang pamilya mo, kaibigan, kaklase, mga ex, at higit sa lahat, ang mga pinagkakautangan mo ng pera na hindi mo pa nababayaran.

Tama na ang drama. Bahala kayo. Pero kung magpapakamatay kayo, dapat yung maganda ang kalalabasan, hindi yung pangit ka at hindi ka kaaya-ayang tignan sa burol kapag nasa kabaong ka na. Piliin ang paraan ng pagpapakamatay na hiyang sa iyo. At kung magbibigti ka, siguraduhing mataas yung pagsasabitan mo ng tali. Masakit kasi sa leeg kapag mababa lang...

Monday, September 10, 2007

Oh! Akala ko ba on blog leave?

Akala ko ba On Blog Leave ako? Pero nakapag post ako? nyahahahaha! Wala lang. Bored sa office eh. Tsaka may ipamamahagi ako sa inyo.

Naalala niyo ba si Ederlyn? Yung sa text? Yung nang-iimbita sa birthday, tapos nagalit yung nanay niya kasi napanis yung mga pagkain kasi walang pumunta sa birthday niya? Tapos nagkasangay-sangay na yung kwento, nagkagulo-gulo, dumami ang versions at eventually, nalaos. Kung hindi mo kilala si Ederlyn, wala kang friends na corny.

Pero in fernez kay Ederlyn, natatawa ako sa mga messages niya. Pero ang awkward lang kasi may friend/high school batchmate kami na ang pangalan talaga ay Ederlyn. So kapag finoforward ko sa mga high school friends ko yung Ederlyn joke, ginagawa kong Evelyn yung pangalan. Nyahahaha! Mahirap na, baka maniwala talaga sila na nagiimbita sa birthday yung friend namin na iyon. Magulat siya bigla na maraming tao sa harap ng bahay nila.

Pero sa paglaho ni Ederlyn, sumulpot naman ang bagong reyna ng mga quotable text messages...SI INDAY! At hindi lang siya ang ordinaryong kasambahay niyo, dahil sosyal si Inday. Heto ang mga magpapatunay diyan.

-----------------------------------------------

"I believe that my trained skills and expertise in management with the use of standard tools, and my discipline and experience will contribute significantly to the value of the work that you want, my creativity, productivity and work-efficiency and the high quality of outcomes I can offer will boost the work progress."

- sagot ni Inday sa interview ng bago niyang amo!

------------------------------------------------------------

"physical stress and excessive work may result to serious damage to ones body. It is therefore essential that once in a while, we take a break from our usual routine to replenish the lost energy we once had."

- sabi ni inday sa amo nya nung humingi sya ng day off...

------------------------------------------------------------

"drunken shrimp and blue lobster meat with caviar served with milagrosa rice (red variety) and apricot sauce. vegetables in balsamic vinegar splashed with extra virgin olive oil. lychee and peach salad with sour cream and cream cheese topped with lemon zests."

- baon ni junjun sa daycare na hinanda ni inday. sosyal!

------------------------------------------------------------

"attached herewith is a list of proposed acquisitio in line with my proposal to upgrade your household facilities. I have already made initial survey of the current market prices. Note however that prices could vary depending on the prevailing exchange rate and aggregate supply and demand which we also monitor on an hourly basis."

- si inday nagpapaalam para mamalengke

------------------------------------------------------------


"Compromising safety with useless aesthetics, the not-so-well engineered architectural design of our kitchen lavatory affected the boy's cranium with a slight boil at the left temple near the auditory organ."

- sagot ni Inday nang tanungin ng amo kung bakit may bukol si Junior.

------------------------------------------------------------

"The consistency was fine. But you see, it seems that the increased amount of sodium chloride (NaCl) affected the taste drastically and those actions are irreversible. I do apologize."

- nag-explain si Inday kung bakit maalat ang ulam.

------------------------------------------------------------

Donya: Bakit tuwing paguwi ko, nadadatnan kitang nanunuod ng tv?!

Inday: Because I don't want you to see me doing absolutely nothing.

------------------------------------------------------------

"It's absurd! It was never a fact that he will inflict a fight. I can only imagine how you handle schizophrenic kids on this educational institution. Revise your policies because they suck!"

- Inday, kasama si Junior sa principal's office.

------------------------------------------------------------

Amo: Inday, bakit nagkalat ang basura sa likod ng bahay?!

Inday: A change in the weather patterns might have occurred wrecking havoc to the surroundings. The way the debris are scattered indicates that the gust of wind was going northeast causing damage to the path it was heading for.

Amo: (nosebleed)

------------------------------------------------------------

"Stop your raucous behavior. It is bound to result in property damages and if that happens there will be corresponding punishment to be inflicted upon you!"

- si Inday, pinagbabawalan ang mga bata na maglikot.

------------------------------------------------------------

"Sometimes, people choose to leave not because of selfish reasons but because they just know that things will get worse if they'll stay. Leaving can be a tough act, and it's harder when people can't understand you for doing so."

- sagot ni Inday kung bakit umalis si Angel Locsin sa GMA 7.

------------------------------------------------------------

"To forrestall further hopes of acquaintance, my unfathomable statement to the denial of your request. Petition denied. "

- reply ni Inday nang i-text ni dodong kung pwede sya maging txtmate.

------------------------------------------------------------

"good sir! please, but i'm disinclined to acquiesce to your uncouth request!"

(translation: kuya, wag po!)

------------------------------------------------------------

"much as i want to indulge in the proliferation of such indecent & malicious information, i want to lift the stigma and alleviate society's perception of our profession..."

- inday tumatangging nakikipagtsimisan sa katulong sa kabilang bahay

------------------------------------------------------------

P500 - globe plan subscription
P1800 - glutathione
P600 - olay total effects
P1500 - crocs flip flops
P2000 - for mama

- Binubudget ni Inday ang sweldo niya

------------------------------------------------------------

"There are tulips in the street, there are tulips in the park, but nothing compares to our two lips meeting in the dark."

-- pamatay lines ni dudung kay inday.

------------------------------------------------------------

amo1: inday,ano gamit mong sabon?ang kinis mo eh...

amo2: siguro gumagamit ka ng papaya soap...

amo1: baka naman kalamansi...

inday: NO!!!

Only BELO touches my skin...what touches yours?

------------------------------------------------------------

NOSEBLEED!!! Step aside Ederlyn, Inday is in the house!

source: Peyups: Member's Area: Jokes of the day

Thursday, September 06, 2007

On Blog Leave

I have to! Maybe for just around a month. Work work work!

BTW, updated my wishlist because of this thing:

Now I'm eating my own words saying that I will not buy an iPod. But the iPod Touch has freakin' Wi-Fi! And it looks like an iPhone! *drool*

Oh well, I hope it's Christmas time. Can't wait for our bonus(es)! See y'all in October!

Wednesday, August 29, 2007

Office E-mail #2: Tagaytay Ghost Story

Ewan ko ba kung saang lupalop ng mundo nakukuha ng mga officemates ko yung mga emails na ito. Lahat ng natatanggap ko, napapatawa ako. Pero etong isa na to, natakot talaga ako, promise!

----------------------------------------------------------------------------

This story happened a few months ago along the Tagaytay Road. There was a guy who got left behind by a pack of mountain bikers. The group was large and he didn't bring a cellphone. He crashed his bike somewhere between Picnic Grove and DBP. To make things worse, a storm came in. So he walked.


This guy was on the side of the road hitch hiking on a very dark night in the middle of a storm. The night passed slowly and no cars went by. The storm was so strong he could hardly see a few meters ahead of him.

Suddenly, just before the junction going to Manila, he saw a car slowly looming, ghostlike, out of the gloom. It slowly crept toward him and stopped. It was raining hard, wind blowing all around you, what would you do? Like you would, he got into the car and closed the door, then realized that there was nobody inside the car.... even in the drivers seat.

The car slowly started moving again. The guy was terrified, too scared to think of jumping out and running. The guy saw that the car was slowly approaching a sharp curve. The guy started to pray, begging for his life; he was sure the ghost car would go off the road and he would plunge to his death, when just before the curve, a hand appeared through the window and turned the steering wheel, guiding the car safely around the bend.

Terrified, the guy watched the hand reappear every time they reached a curve. Finally, the guy gathered his wits and leaped from the car and ran to the nearest place where there were houses.

Wet and in shock, he went into a store and voice quavering, ordered two bottles of beer, and told the people about his horrible, supernatural experience. A silence enveloped everybody when they realized the guy was apparently sane and not drunk.

About half an hour later two guys walked into the same store.

One said to the other.......

"Yan! Yan yung tarantadong sumakay habang nagtutulak tayo..."
wahahahaha!!!

Sunday, August 26, 2007

pa ficture!

Hindi talaga ako mahilig magpapicture sa mga celebrity.

Ewan ko, mahiyain talaga akong nilalang simula pagkabata ko. Siguro kasi feeling ko na wala akong karapatan para tabihan sila. Haha, ang pangit ng reason ko. Pero naiilang talaga ako kapag may katabi akong sikat.

Naalala ko pa nung bata pa ako. mga 4 years old yata ako nun. Nagpunta kami sa isang waterfalls sa saang lupalop man yun. Ang pagkakaalala ko ay either Panay or Tanay. Basta, sounds like anay. Eh pagdating namin dun, nagshooshooting din pala sina Vic Sotto at Alice Dixon ng movie. Nakalimutan ko na yung movie kasi wala pa naman akong pakialam sa mga pelikula noon. Nagpakuha kqmi ng picture kasama si Vic together with my mom. Sayang hindi ko maiiscan yung pic, nasa Bulacan kasi. Pero kung makikita nyo yung pagmumukha ko...hahaha! Parang natatae at... Wag na lang...Ayokong alalahanin pa.

Nung tumanda ako, ang reason ko naman kaya hindi ako nagpapapicture sa mga celebs ay dahil jologs ito. Alam mo yun, yung fanatic ang dating. Eh hindi naman ako fanatic or parang ngayon lang nakakita ng artista. Tsaka siguro naririnig ko yung ibang tao na may mga bad experiences sa mga celebs. Yung mga nagsusungit and everything. Eh madali pa naman akong mairita sa mga ganun kaya wa na lang picture taking na magaganap.

Pero after 16 years, nakapagpapicture na ulit ako sa isang celeb na hindi naman ganoong kasikat katulad ni Vic eh sa tingin ko sikat naman siya sa music industry.

Me with Lougee of Mojofly

Mabait, hindi suplada, cool, magaling kumanta at maganda. Kaya siguro sumunod na ako sa mga naunang kumuha ng pic with her. Nawala na ang phobia ko sa mga celebs, especially sa mga kasali sa banda kasi feeling ko may AP sila. At hindi na parang naiilang ang pagmumukha ko sa pic unlike my Vic Sotto pic. Haha! Kapag nakita ko ulit si Pokwang magpapapicture na talaga ako sa kanya.

More pictures of Green Light: UP CURSOR's 24th Anniversary Party
here.

Friday, August 17, 2007

How to come up with a great product name

Savor the aroma...
Taste the difference...
Relax and enjoy while drinking your...




MOTHER PARKERS COFFEE!

Mapapa-"MOTHER PARKER!" ka sa SARAP!

----------------------------------------------------------------------------
It's just amazing to know what you can find in your office's pantry. :D

Wednesday, August 15, 2007

Exclusive Interview kuno

Dahil usung-uso na ang mga interview interview ngayon, makikiuso na ako.

Mainit!
Nagbabaga!
Sumisirit!
Tumitibok!
Explosibo!

brainfreeze, babasagin na ang katahimikan ukol sa paglipat niya sa multiply!

At bibigyang linaw ang DI-UMANO na sex video niya!

Dito lang sa...THE BASH!

Boy: Magandang Hapon po. Nakatutok po kayo sa The Bash. Kasama po natin ngayon ang pinaka-(feeling)kontrobersiyal na blogger ngayon, si brainfreeze.

bf: magandang hapon po, Tito Boy. TOTOO PO TITO BOY! AKO YUNG NASA SEX VIDEO!!! ahhuhuhuhu...

Boy: Gaga! Hindi pa nagsisimula ang interview! Ambisyoso to...

bf: Sorry po...Magandang hapon po sa mga nanonood ngayon ng The Bash...Thanks for Oxygen for my shirt and Levi's for my jeans. :)

Boy: brainfreeze, kamusta ka ngayon? Balita namin pumunta ka ng London. Ano ginawa mo dun?

bf: Nag-aral po ng fashion design major in agriculture and fisheries. Pangarap ko pa po kasi dati pa na magsaka at magpalaki ng mga tilapia and at the same time, fashionable pa rin ang suot. Childhood dream ko po, tito Boy...

Boy: Ah ganun ba? (thought bubble: ang korni naman...) oh well... May nakasama ka bang ibang mga Pilipino dun?

bf: Marami po. Sa katunayan nga po, may kaklase po ako dun na Pilipino, si Mang Kanor. Pero ang nakakatawa nga po eh hindi po niya ako kilala. Nagbblog din po kasi siya. Kung hindi nga po ako nakipag-exchange links kina Cokskiblue at e-channel eh hindi siya mapapadpad sa blog ko. Ahihihi...

Boy: Ahahahaha! Ikaw talaga... Maraming magaganda sa London?

bf: Ay Tito Boy, mas maraming gwapo! ahahahahaha! Joke lang po. Marami pong magaganda. Pinipinch ko nga po yung butt nila eh at hindi sila nagagalit. Pero may isa na nagalit sa akin. Maganda siya, in fairness. Kamukha ng artista dito sa Pinas...si Locsin ba yun?

Boy: Angel Locsin? Balita ko nasa London din siya...

bf: Hindi po. Rio Locsin po.hehe

Boy: Ahahaha! Pinapatawa mo ako... Ano naman ang tingin mo na kaguluhan na nagyayari ngayon sa Pinoy Blogosphere?

bf: Actually Tito Boy, ngayon ko nga lang po nalaman ang tungkol diyan. Hindi ko alam na kasing gulo din ng show business ang blogosphere. Ang sa akin lang po, hindi na ako makikialam para hindi na po ako madamay. At sana din po, hindi na lumaki ang gulo. Kailangan na po nating mag-move on with life, katulad ko.

Boy: Speaking of moving on, didiretsahin na kita. Tatanungin na kita tungkol sa issue na laman ng lahat ng pahayagan, tabloids, forums, text message, e-mails, at menu ng lahat ng restaurant...

bf: OPO TITO BOY! AKO PO YUNG NASA SEX VIDEO! AKO PO YUN! huhuhuhuhu...

Boy: Adelantado ka talagang hindut ka no? Huwag mo nga akong pangunahan bruho ka!

bf: Sorry po...Thank you to Johnson & Johnson for my lubricant and NSO for my birth certificate! ahehehe... :D

Boy: Totoo bang lilipat ka na ng blog?

bf: Opo...

Tito Boy: Bakit naman?

bf: Alam mo Tito Boy, hindi na po ako masaya. Fully customizable at madali nga pong gamitin ang blogger pero...*sniff*...parang kulang eh. I don't feel complete katulad ng Centrum. At nung pumunta ako sa multiply, masaya ako. Natagpuan ko na ang bagong bahay ko sa multiply... Pinaghalo-halo siyang friendster, blogger, photobucket at marami pa. Hindi katulad ng blogger na blog lang. Pero mahal ko po ang Blogger...at minahal din po nila ako. Sana po maintindihan nila ang desisyon ko...Nagpaalam naman po ako ng maayos sa kanila.

Boy: So kailan ka magsisimulang lumipat?

bf: Tito Boy, joke lang po! AHAHAHAHAHA! Naka cross-posting naman ako between Blogger and Multiply eh. Lahat ng pinopost ko sa blogger, napo-post sa multiply kaya no need na para lumipat. AHAHAHAHAHA! Ang galing galing noh? Ano masasabi mo Tito Boy?

Boy: P***! Eh ano silbi nitong interview na ito? Leche! Makaalis na nga...NASAYANG ANG ORAS KO SAYO!

bf: Ay si Tito Boy, OA! Huy, wag kang umalis. Hindi mo pa ako natatanong tungkol sa sex video! Tito Boy! WAAAAAAAH!

Friday, August 10, 2007

Stop the meaning of this?!

Here is an email circulating in our office. Sumakit ang ulo ko...

Life is Shorts
The!

We' ve been friends for a long time ago. We come from the same alma mother. Actually, our paths crossed one time on another. But it's only now that I gave him a second look. I realized that beauty is in the eyes. The pulpbits of my heart went fast, really fast. Cute pala siya. And then, he came over with me. He said, "I hope you don't mine. Can I get your number?" Nag-worry ako. What if he doesn't give it back? He explained naman na it's so we could keep intact daw. Sabi ko, connect me if i'm wrong but are you asking me ouch? Nabigla siya. Sagot niya, The! Aba! Parang siya pa ang galit! Persona ingrata!!! Ang kapal niya! I cried buckles of tears.

Na-guilty yata siya. Sabi niya, isipin mo na lang na this is a blessing in the sky. Irregardless daw of his feelings, we'll go ouch na rin. Now, we're so in love. Mute and epidemic na ang past. Thanks God we swallowed our fried. Kasi, I'm 33 na and I'm running our time. After 2 weeks, he plopped the question. "Will you marriage me?" I'm in a state of shocked. Kasi mantakin mo, when it rains, it's four! This is true good to be true. So siyempre, I said yes. Love is a many splendor.

Pero nung inaayos ko na ang aming kasal, everything swell to pieces. Nag-di-dinner kami noon nang biglang sa harap ng aming table, may babaeng humirit ng, "Well, well, well. Look do we have here." What the fuss! The nerd ng babaeng yon! She said they were still on. So I told her, whatever is that, cut me some slacks! I didn't want this to get our hand kaya I had to sip it in the bud. She accused me of steeling her boyfriend. Ats if! I don't want to portrait the role of the other woman. Gosh, tell me to the marines! I told her, "please, mine you own business!" Who would believe her anyway?

Dahil it's not my problem anymore but her problem anymore, tumigil na rin siya ng panggugulo. Everything is coming up daisies. I'm so happy. Even my boyfriend said liketwice. He's so supportive. Sabi niya, "Look at is this way. She's our of our lives."

Kaya advise ko sa inyo - take the risk. You can never can tell. Just burn the bridge when you get there. Life is shorts. If you make a mistake, we'll just pray for the internal and external repose of your soul. I second emotion.


*************************************************************

EDIT: Akalain mong mayroon Part 2 ang love story na ito? huhuhu...I can't anymore take this anymore!


PART 2

I thought Jay's ex-girlfriend was really out of our lives. But heaven only goes that I was wrong. Kakakasal pa lang namin nun when Jay received a uninamous text. "Meet me at the clinic." I had a stinking feeling in my butt. I told him not to go. It might in danger him. Pero sabi niya, ok lang daw because life is what we make. Tumahimik lang ako. Sabi niya, "Penny for you talks." But I didn't know what to say.

Beggars can't be losers. Isa pa, worried talaga ako na baka yung girl yun. Jay said, "Can't got your tongue?" I tried to smile at him. Kahit di ako nagsalita, actions speak louder than works, di ba?

Be that as is may, umalis pa rin siya. I was out of the loophole. After a few hours, I called him on his cellphone. But my calls fell on Jeff's ears. Lalo akong nag-worry kasi I didn't even know Jeff. Sabi na nga ba di na dapat umalis si Jay. That's what I'm talking about it.

So I tried calling some friends who will help me find Jay. That's what friends are for naman di ba? But I just faced a blank mall. I had to do this alone. Nag-taxi na lang ako. Pero ang mahal na pala ng plug down rate.

When I got to the clinic, the security was really buffed up. Di basta-basta makakapasok. So I said, "I beg your cordon. I'm patient.

It's my favorite virtue nga e." Nagduda yata yung isang guard. Hinawakan ako sa arm. The nerd! I shouted, "Don't touch me not!" Buti na lang the other guards were nice and said, "Come on, let's join us."

When I went inside, parang I've been there, done there. Nung walang nakatingin, nag-explore ako. Nakarating ako sa top floor and I had a bird's IQ of the clinic. I could not explain it but I was drawn to a room on the floor. Siguro Divine Intermission na yun.

Parang may narinig akong umuungol. I was thorn. Di ko alam kung aalis ba ako o papasukin ko. It made me stick in the stomach to think that Jay and his ex-girlfriend were there. I tried to tell myself to slower my expectations. But to tell with it! I had to strike while the iron is not. I had to hear the truth from the corpse's mouth. I barraged in. O my gas! Si Jay, naka-strap sa operating table, parang genie pig sa isang nakakatakot na experiment. He was on the cutting edge. He was bleeding. At ang doctor na nagpapahirap sa kanya, ang ex-girlfriend niya at ang bago nitong boyfriend, ang nurse na si Walter. Doon ko napatunayang blood is thicker than Walter.

Guess watch? Di ko alam kung paano ko nagawa pero I was able to search and rescue Jay. Siguro adrenaline brush na yun.

Now, he's recovering. Nag-sorry siya na hindi siya nakinig sa akin. I know it's a better pill to swallow your pride so it's forgive and forget me not. All swell that end swell. I know we should kiss and put on makeup.

Ang ex-girlfriend naman niya at si Walter, nakakulong na. Detention is really better than cure. So the moral of the lesson is: if symptoms persist, insult your doctor.

--------------------------------------------------------------------

"stinking feeling in my butt" :rotflmao:

Wednesday, August 08, 2007

Wet KNB?

Sa wakas, dumating na ang panahon na inaasam ng mga magsasaka sa nakaraang buwan, pati ng mga tao na mahina ang supply ng tubig at pati na rin ng mga estudyante sa lahat ng antas. Dumating na din ang panahon na pinaka-ayaw ng mga pumapasok sa opisina. Alam niyo na ang tinutukoy ko: tag-ulan.

Unang ritwal kapag malakas ang ulan: buksan ang TV at maghintay ng news na suspended ang klase. Maswerte nga ang mga estudyante ngayon kasi masisipag na tumawag ang mga eskwelahan at mga mayors para iannounce sa mga morning TV shows na walang pasok ang kanilang school o sinasakupan. Nung high school ako, malalaman lang namin na walang pasok pagdating ng tanghali. Kamusta naman yon? Pero ayos lang, either uuwi ako noon at matutulog, maglalakwatsa o maglalaro ng PS.

Eh ngayon, never mong mapapanood sa TV na may magrereport na "Lahat po ng mga nag-oopisina along Ayala Avenue ay walang pasok sanhi ng malakas na ulan." Wish ko lang may ganyan. Siyempre, pasok naman ako, sayang ang sweldo eh. Kung malas ka, mababasa ka dahil sa mga sasakyang mabibilis na dadaan sa isang puddle of water at nasa tapat ka ng puddle of water na iyon (based on a true story.hehe). At kung mas malas, mas-stranded ka pa ng ilang oras. Ang pinakamaganda na lang na gawin ay mag-half day at sabihin na reason ay "heavy rains".

Speaking of reporters, malaki talaga ang paghanga ko sa mga nasa media. Pero hindi yung mga intrigera at mga nagkakalat ng tsismis at bad publicity. Hanga ako sa mga taong ito na kahit anong mangyari eh nagrereport pa din kahit na buhay pa nila ang kapalit. Mga reporter na kahit bumabagyo, nagkakabitak-bitak na ang lupa, lumilindol, umuulan ng bulalakaw, sinasakop na tayo ng mga alien o ang pag-ulit ng nangyari sa Sodom at Gomorrah ay naglilingkod pa rin para makapaghatid ng balita. AT WALA SILANG HOLIDAY HOLIDAY! Well, meron. Mga ilang days sa Mahal na Araw. Kaya nawala na sa career option ko ang pagiging reporter dahil sa kadahilanang iyon. At hindi naman pang reporter boses ko, hindi rin telegenic at makakalimutin din sa script.

Ayaw ng mga housewives ang tag-ulan. Kasi yung mga nilalabhan nila, hindi natutuyo. Sinasampay sa loob at nag-aamoy something. Basta hindi mabango. Kaya malakas ang kita ng mga fabric softeners and conditioners sa mga panahon ngayon.

Ayaw ng mga hayop ang tag-ulan. Hindi sila makakapaglaro sa kalsada kasi nga, umuulan. Katulad ni Carmina (yung aso namin na kumagat sa akin), nandun lang sa kulungan niya....awwww...BUTI NGA!BWAHAHAHA!

Ayaw ng mga lovers ng tag-ulan. On second thought...gusto pala nila ng tag-ulan. Malamig eh! Nyahahaha!

Ayaw ng mga bumbero ng tag-ulan. Inaagawan daw sila ng trabaho. Hehe...pero gusto rin pala nila yon. Hindi sila mapapagod.

Ayaw ng mga resort owners ng tag-ulan. Wala daw kasi silang mga customers. Unless kagaya niyo ako na gustong mag swimming kapag umuulan kasi hindi ako mangingitim kahit na naninigas (ang alin?) na ako sa sobrang lamig (aaah...akala ko kung ano na).

Ayaw ni Santa Claus ng tag-ulan. Mababa ang visibility kapag nakasakay siya sa sleigh. Baka mabangga siya sa eroplano. At baka magkasakit si Rudolph, lalong maging red yung nose niya. Ayaw ni Santa Claus ng nagkakasakit ang kanyang mga reindeers...

Ayaw ng mga kalbo ang tag-ulan. Mababasa daw yung bumbunan nila, baka magkasakit sila.

Gusto ko ng tag-ulan. Malamig kasi, masarap matulog. Pero hassle din pala.

Thursday, August 02, 2007

Samu't-saring kaengotan ko

Disclaimer: Ang mga sumusunod na entry ay sanhi ng isa sa mga sumusunod: puyat, pagiging bangag, pagiging tuliro, kabingihan o epekto ng paghithit ng medyas. Pagpasensiyahan niyo na.

Scene 1: Sa isang fastfood chain:

taga-take ng order(TNO): Ano po order niyo sir?
Ako: Isang cheeseburger meal.
TNO: Dine in po o take out?
Ako: (parang walang narinig)Pa-upsize nung coke.
TNO: OK Sir, dine in po or take out?
Ako: (parang walang narinig ulit)Padagdag na lang ng ketchup, mga 3.
TNO:(halatang inis)
Ako:(na-gets na ang lahat at napansin ang itsura ng TNO): ...dine in. :|

-----------------------------------------------------

Scene 2: Sa jeep, papasok ng school. kakasakay pa lang:

Ako: (kinuha ang barya sa bag at inaabot ang bayad) Para ho!
HUWAAAAAAAAAAAAAAAAAT!!!

-----------------------------------------------------

Scene 3: Practice ng Choral Singing Competition sa bahay ng isang orgmate

Girl1: Uy, alam mo ba etong si Girl2 may third ear! Nakakarinig ng hindi naririnig ng ordinaryong tao.
Ako: (magpapasikat din)Talaga? ako naman may third nose, nakakaamoy ng hindi naamoy ng iba!
Girl1 at Girl2: (nagkatinginan) Nasaan yung second?

Monday, July 30, 2007

TGIF:Movie Night

There's an empty seat beside Homer. Too bad I can't sit there because of the damn "Do Not Enter" sign. :(

Spider-Pig
, Spider-Pig. Does whatever Spider-Pig does. Can he swing From a web? No he can't, he's a pig.

I still can't get over that Spider-Pig song from the Simpsons movie, and it is now three days since I saw it. I must say that it is the funniest movie that I've seen for a long time and certainly the second best movie released this year (with the Transformers at the top).

I watched it in Glorietta last Friday together with my officemates. I am supposed to watch it on Saturday back to back with Ratatouille (or Ouija? nah...). But thank God I didn't, because I slept the whole day. And watching it with others is certainly more fun than watching it alone.

I have never watched a single episode of the Simpsons, but I enjoyed the movie. Overall, the movie is great. It has a coherent story, but it's main strength is it's humor that almost every scene made me laugh. I have many favorite scenes...one of them is Homer making the pig walk on the ceiling with matching spider-pig theme music. I don't want to spoil the others who haven't watched the movie yet, so I'll stop talking.

I hope there is a sequel (and I think there will be because of a hint during the credits). And I hope I can find a DVD of the Simpsons series because I realized that I missed out on a lot.

Sunday, July 29, 2007

Photo: Dirty Fan


Who bothers to clean their electric fans anyway? I'm not allergic to dust so I don't care. :P

Friday, July 27, 2007

My List of Top 10 Emerging Influential Blogs

I'm gonna participate in the Top 10 Emerging Influential Blogs contest. Malay mo, manalo ako ng 100 dollars. haha! Pero aside from that, I want to commend these blogs for their engaging material in their entries. All are worth reading (or watching, for vlogs :))

1. Cokskiblue
2.
Happyslip
3. Gibbs Cadiz
4. The Dork Factor
5. Utak Gago

That's all. Goodluck to all the nominees!

Sunday, July 22, 2007

Photo of the Day: LRT2


LRT2: I hope the MRT is like this. Nice and beautiful stations, trains with a lot of room (never yatang may siksikan dito) and airconditioned trains...ALL TRAINS.