Kamusta naman ang title? Nahirapan akong isipin yan ha, mga 1 month din akong nawala para isipin yang title na yan! hehe...joke lang.
Bakit nga ba ako nawala ng isang buwan?
Hindi po ako nagkaroon ng lovelife. Alam niyo naman kapag magkaroon ng lovelife eh nafofocus ang attention mo dun. Katulad nga ng nasabi ko sa isang pagtitipon na naganap kagabi, ieenjoy ko muna ang buhay binata ko. Kaya tsaka na ako magkakaroon nun. Siguro after kong mag 21 years old next week (*wink* *wink* *cough* regalo *cough*)
Hindi rin po ako nasisante sa trabaho. Nagtraining po ako last week for five days sa isang lugar na walang internet kaya isang lingo din ako nawala sa cyberspace. Masaya din naman ako dito ngayon at every now and then ay sumasama ako sa mga gimik ng mga officemates ko. Ka close ko na din ang karamihan sa kanila. (Un)fortunately, wala pa akong kaaway. Wala pang mapapel dito eh.
Hindi rin po ako nangibang bansa at dun na nanirahan. Wala talaga akong balak mag-abroad anytime soon. Siguro kapag nakahanap ako ng trabaho na magbibigay sa akin ng 100,000 pesos a month with all benefits plus car and condo unit, tsaka ako lilipad patungong ibang bansa. Preferably sa Zambia.
Hindi rin po ako nakasama sa sumabog sa Glorietta. Hindi tumalab ang bomba sa body fats ko. joke lang.
Hindi rin po ako nalulong sa masamang bisyo. Hinding hindi ko sisirain ang buhay ko sa droga. Pero inaamin ko na napapalakas ang pag-inom ko this past few days. Ang saya kasi gumimik at mag get together eh. Ayan tuloy lumalaki ang tiyan ko. Nawawala na ang ab(s).
Hindi rin po ako nawalan ng idea kung ano ang isusulat sa blog ko. As a matter of fact, everyday nga pwede akong magsulat. Pero nakakahiya naman sa boss ko. Hehe... wala na nga akong ginagawa tapos nagb-blog pa ako? Abuso na masyado. haha
Eh bakit nga pala ako nawala ng 1 month?
Wala lang. Gusto ko lang hindi mag-blog. I need space! (parang si Basya sa One More Chance. Oo, napanood ko ang pelikulang yan).
Kaya...I welcome me back! Welcome, me!
haha...adik.
2 comments:
i welcome you back! welcome, you!
buti naman at wala ka pang kaaway sa workplace, mabait ka kasi, juk!
at dahil mabait ka, at malapit na ang krismas, pwede na ang PSP pagpunta sa greenhills this week. juk wans mor.
^ hehe...kamusta naman? bibili muna ako ng nintendo DS para sa akin. tsaka kita ibibili ng PSP.
joke lang yun. baka seryosohin mo. haha!
Post a Comment