"Math is around us!". Yan ang palaging pang-uto sa atin ng mga teacher natin sa Math para mapwersa tayo na mag-aral nito. Mula sa simpleng addition at subtraction, hanggang sa komplikadong sine, cosine, derivatives at integrals, lahat daw yan ay may pakinabang sa buhay. Sa tingin ko totoo naman, bilang Best in Math ng batch namin nung high school (ahem...lakas ng hangin!). At hanggang ngayon, importante talaga ang math, lalo na sa kurso ko na ang pundasyon ay math at hindi computer chips. At nalaman ko din, maski walang pakinabang ang pagkuha ng roots of a polynomial to the nth degree pero pilit pa ring pinapa-solve sa tin, ang totoong sinusukat dito ay ang iyong critical thinking.
Ang haba ng intro ko. Pero ang gusto ko lang naman isulat sa entry na ito ay ang kahalagahan ng simpleng math sa buhay natin.
1. (a)INCOME - SAVINGS = EXPENSES
(b)INCOME - EXPENSES = SAVINGS
Kapag daw gusto mong magtipid ng mas epektibo, gamitin daw ang equation (a) at hindi (b). Nakita ko ang equation na yan sa isang forum sa www.peyups.com. Iba raw kasi kapag mas una mong itatabi ang iipunin mo kaysa sa gagastusin mo. Gagawin ko 'yan sa susunod na sweldo kasi daig ko pa ang batang nagtuturo sa mall kapag nakakita ako ng magandang polo. Bawas impulse buying muna.
2. MONEY is inversely proportional to LOVELIFE
Sa tingin ko naman lahat ay agree dito, unless ikaw ay babae.hehe...Kung gustong makaipon kaagad para pambili ng bahay at lupa para sa iyong "future family", iwasan muna ang paghahanap ng lovelife. Heto na yata ang most effective way ng pagtitipid. Pramis!
Pero meron ibang instances na gagastos ka naman para sa sarili mong luho (see wishlist sa kaliwa). Kaya mawawala din yung savings mo. Ampness! T.T
3. (.6a) + (.4b) = c
where a = star quality, b = musicality, c = pinoy pop superstar champion
Walang sumisikat sa singing contest na ito, pramis! Kamusta naman kasi ang scoring system. Dapat nilubos na nila, dagdagan na din nila ng audience impact.
4. IF(fool_me == 1) shame_on_you();
ELSE IF (fool_me == 2) shame_on_me();
Yun lang, may konti ng programming. Huwag magpapaloko sa isang tao more than once. O kung hindi maiiwasan na kailangan mo siyang pagkatiwalaan ulit, maging maingat my friend. Madami ng manloloko ngayon. Malay mo, yung binebenta pala sa iyo ng suki mong cellphone dealer eh nakaw pala sa Quiapo.
5. ME + XXX ... cannot be!
oh diba? Ngayon ka lang nakakita ng additon pero cannot be. Well, ganun talaga. Love has no rules. (naknang!) Kapag hindi pwede, hindi talaga pwede. Dahil sa mga "boundaries" kaya hindi mapag-add ang dalawa. Haaaay...loneliness.
Wala na akong masulat na matino. hehe...tagal ko na din hindi nakapag-post. Bilang pangwakas, binabati ko ng Happy Birthday ang mga family members ko na sunud sunod ang birthday. Sa Daddy ko (June 30), at sa mga pamangking kong sina Kim (July 1) at Rich (July 2). As if mababasa niyo ito.ahehehe...
4 comments:
amen to number 2 and 4!
galing ng entry na to ah. kailangan i-print with font size 60 at ilagay sa noo, este sa whiteboard pala.
kudos prof. renz!
talagang may prof?nyahahaha...miss ko na ang math.
bigla ko'ng nagustuhan ang math
three, two, one...POOF!!!
ayoko na ulit, dumudugo ilong ko..
pero kailangan na kailangan ko ito...life and death: maghirap o die with blood loss...
haayy.. hirap!
AMEN :) math is fun.. heheh
sorry naligaw ako dito. :)
Post a Comment