Monday, May 07, 2007

Salamat

Kung anu-ano na ang sinulat ko sa pagkakaroon ko ng trabaho pero hindi ko pa man lang napapasalamatan ang mga tao na naging bahagi ng buhay ko sa kolehiyo.

Salamat siyempre sa CS Department at sa mga faculty members nito sa pagkupkop nila sa akin sa loob ng apat na taon. Sana ay naging mabuti akong estudyante. Special mention kina Mam Riza, Mam Chris at Mam Florence. :)

Sa aking pamilya. Sa Mommy at Daddy ko na todo suporta sa landas na tinahak ko. Sa Ate Dette ko na pinapadalhan ako ng pang tuition every Sem. Sa Kuya Mon ko na todo suporta din. At sa Ate Cha ko na binibigyan ako palagi ng baon every week. Salamat ng marami!

Kay TJ, Rocel at Jameson na friends ko since high school, congrats sa 'tin. Kahit ako lang ang hindi cum laude sa ating apat, keri lang.

Kay Ate Mila na napakabait at napakagaling na Dept Secretary. Kung hindi dahil sa iyo, hindi ako makakapagprint ng DTR sa PC nyo at hindi ko makukuha ang sweldo ko sa SA.hehe...

Sa mga organizations ko. Sa UP CURSOR, UP LAKAN at UP ACM sa pagtitiwala sa akin na ihandle ang ilan sa mga events nila at sa mga pagkakaibigang nabuo sa 3-2-1 taon (respectively) na pagiging miyembro ko. Andami ko talagang natutunan sa pagiging miyembro, from project management, pag deal sa iba't ibang klaseng tao at higit sa lahat, sa pagpa-partey!

Sa mga naging kaibigan at ka-close ko sa kolehiyo: Jerry, Jesse Ann, Kmart, Kai, Mari, Big John, Toni, Pepoy, Pepz, Michi, Melai, Malen, Fabs, Roanne, Sir Pio, Louis, Cai, Roy, Rap, Tienne, Charm, Nhiza, Kat, Faye, Gianne, Chaez, Helen, Mayee, Joelle, lahat lahat na...sana mabasa niyo ito.hehe...Salamat sa pagiging parte niyo ng stay ko sa kolehiyo. Sa mga hindi nasulat, pasensiya. May memory gap na ang lolo niyo.

Sa mga professors, instructors, lecturers sa mga subjects ko, salamat sa pagbabahagi niyo ng karunungan niyo sa akin. Nalaman ko na may nageexist na mga mababait(Philo10, Geog1), kwela (PI100, PanPil19, French10), boring (NatSci1, Chem1, Geol1), weird(Philo1, ArtStud1) at terror(Bio1, Eng1) na teachers. Salamat at wala ako maski isang 5 sa classcard ko.

Sa mga SAs na maiiwan sa Dept (lalo na si ________), continue to serve the department. Hinay hinay lang sa pagpiprint (lalo na si _________).

Sa byte kong si Toni sa pag-aalaga niya sa akin nung applicant pa lang ako. Kay Joan at Cere na naging bit ko, continue to be good members of our org.

Kay ___________ at _____________ na makita ko pa lang sa 2nd floor corridor (o masilip ko sa isang room kapag stalker mode) eh nakukumpleto na ang araw ko. Salamat sa inspirasyon.

Sa mga nakaaway ko (at sa mga inaaway ko patalikod.hehe...), hindi ko alam kung magsosorry ako. Pero sige na nga, sorry na.

Sa mga umaway sa akin, wala lang. Alangan namang sabihin kong magsorry kayo sa akin. Kapal naman ng mukha ko pag ganun...Pero kung gusto niyo, ok lang.

At sa buong UP. Salamat sa paghubog sa akin bilang tao na may kritikal na pagiisip, puno ng kaalaman at lumalaban. Salamat din sa UP Fair. At sa Lantern Parade. Sa mga times na walang pasok. At sa masarap na isaw. Sa mainit na monay at keso. Sa siomai ni Mang Ramon...

Ah basta, salamat. Thanks. Merci beaucoup (naks! French!).

*cue music: Remember Me This Way*

3 comments:

CokskiBlue said...

Ako ba yung pepz jan pare? Hehe.

It's cool that you had a very memorable college life. Something you can treasure and look back for years to come. :)

Anonymous said...

renz nabasa ko! thanks din sa pagiging part ng napakasayang college life ko wahehe :p

renzyd said...

Hello guys! Hehe...

@cokskiblue: Yep, ikaw yan!=) Salamat sau for being part of it.

@jesse: hindi ko makakalimutan ang mga paghalakhak mo sa bawat joke na ibinabato sau maski korni. hehe...

magkikita pa rin naman tau sumday.hehe...