Monday, May 28, 2007

Renzo chizmozo

Marahil nagtataka ang mga taong malalapit sa akin kung bakit minsan ako ay bingi, at minsan naman ay ang talas na pandinig ko. feeling tuloy nung iba na parang joke joke lang yung pagiging bingi ko. Pero hindi po. Minsan lang talaga ay sinisipag akong maglinis ng tenga, mga once a month. Pero kung interesante talaga ang sinasabi ng isang tao, eh talagang naka focus lahat ng chakra ko sa aking tenga. As in pati ang tsismisan ng mga langgam, naririnig ko. (Yeah right!)

Totoo nga ang baglong tuklas na teorya na "Tsismis travels faster than light." Pero siyempre, kapag dadaanan ako, posibleng magkaroon ng disturbance sa transmission. Katulad ng isang beses na naguusap kami tungkol sa something...

Some1: Alam nyo ba na si Sir blah ay sinundan si Mam Blah sa Baguio para lang hindi magresign si Mam.
Lahat except me: Ah talaga? Grabe no?
Ako: Ano? Sinundan ni Sir si Mam sa banyo?
Lahat sila: (tumatawa)

Siyempre kung tsinismis ko yan eh malaking gulo. Pero nilinaw naman nila kaagad sa akin ang buong istorya para maabsorb ng mga tutuli ko sa tenga.

Sa totoo nga eh, pati yung mga kwentuhan sa MRT, FX, etc. eh pinapakinggan ko kasi wala naman talaga akong magawa na iba kung hindi matulog o makinig lang talaga sa pagtsitsismisan nila. Eavesdropper? Pwede. Walang Magawa? OO! Malalaman ko na lang na sasagot ako sa kanya, pero pabulong na "Tanga ka kasi!"

Hindi ko nga namamalayan na marami na pala akong napupulot na jokes at nakakatawang mga bagay sa kanila. Katulad noong Friday pauwi ng Bulacan. 8:00 na ng gabi yun, gutom na gutom na at nahihilo. Pwede naman akong matulog, pero pinili ko pa ding tumutok ng pakikinig sa usapan ng dalawang kababaihan na parang istasyon ng radio.

B1: Uy tignan mo, kamukha ni _______(friend nila siguro). (turo sa isang billboard ng Le Froge ni Chuck Allie sa may tapat ng SM North)
B2: Yun? Hindi kaya.
B1: Kamukha kaya! Yung mata kamukha.
B2: Ah...medyo...
B1: Kamukha niya oh!
Ako: (eh ano ngayon? magkakapera ka ba kung napatunayan mong kamukha yan ng kung sino man?leche!)

After some time...sa may pagkalagpas ng toll gate...sina B1 at B2 ay nag-uusap tungkol sa isang celebrity...

B1: Yung artista daw na un talaga, mayabang daw. Mahirap katrabaho...
B2: Ah talaga?
B1: Oo, may problem attitude daw kasi, blah blah!

Ako: (Bwahahaha! Problem attitude daw! Bwahahaha!)

B2: ...Masama ang ugali?
B1: GAGA! kaya nga may problem attitude eh.

Ako: (Leche! inulit pa! BWAHAHAHAHA!)

Siyempre sa isip ko lang yung monologue ko na iyan. Hilong hilo na rin ako sa gutom. Pero ok lang, napatawa naman ako ng dalawang yun. Tsaka hindi ko naman pagkakalat yung usapan nila eh. Pramis!

5 comments:

Anonymous said...

naku, pag nakabili ka na ng iPod, hindi ka na pwedeng mag-eavesdrop.

pwede ka na rin matulog sa bus nang walang abala. (maliban na lang kung hindi ka pa bayad at kinukulit ka na ni mamang konduktor.)

[^_^]

renzyd said...

^
matatagalan pa ako para makabili nun.hehe...

Anonymous said...

haha... kakatuwa naman... problem attitude...hahaha...

Anonymous said...

ang bad mo renz!
kung matabil na ang dila mo...
mas matabil ang blog mo...
ingat sa mga taong may AP...
hehehe! :)

renzyd said...

^hindi na "may AP" ang tawag, "may PA" na! hehe...

matabil ba dila ko?hindi naman ah. minsan lang nadadala ako ng emosyon.hehe...