Monday
Ako lang mag-isa buong gabi at araw. Nag Vigan ang mang ate ko at ang mom ko ay nasa Bulacan. Paggising ko, bumungad sa akin ang isang bubwit na nagsiswimming sa balde ng tubig.
"What a beautiful way to start my morning!", naibulalas ko sa aking sarili. Binalak ko siyang iflush sa toilet pero baka bumara or magmutate siya sa isang malaking daga pagpunta sa poso negro. Kaya pinakawalan ko na lang siya. Save the animals, save the world (Heroes? Haha!)
Tuesday
Walang pasok. Ngayon dapat gagawin ang nakaplanong swimming ng aking high school barkada. Pero lahat yata sila ay nakiisa sa labor day at namahinga na lang sa bahay.
Kinahapunan, binalak kong maginternet kasi namimiss ko na ang mga blocked sites sa office (multiply, friendster...). Tapos nagpasama ang aking ate (na kakauwi lang ng Vigan last night) na mag-grocery. At dahil nagtatrabaho na ako, binigyan ko siya ng pandagdag sa grocery. At naging mabait siya sa akin buong gabi.
Eto pa ang mas kahindik hindik. Sale ang mga chocolates sa Shopwise, at magtatapos ang discount sa araw ding iyon. Kaya talagang bumili ang ate ko ng medyo kaunti (medyo lang) na chocolates. Sira na naman ang binabalak ko na diyeta. Kaya bumili ako ng salad greens pambalanse sa tsokolate.
Wednesday
Una kong overtime kahapon. Wala namang nangyaring kakaiba. 9 na ako nakauwi. wala lang.
Ngayon
Maswerte at nakasakay ako sa MRT na maluwag kaya nakapasok ako sa bandang gitna at hindi ako nasama sa stampede na kagagawan ng mga tao sa Cubao. Ewan ko ba kung ano meron sa mga tao dito, pero parang ang common denominator sa kanilang lahat ay hindi sila office people. Mga construction worker yata.
Na sunburn din ako sa mukha dahil sa sobrang tagal kong makasakay ng bus. At nandito na ngayon ako sa office, wala na namang gagawin buong araw kasi sa monday pa ako bibigyan ng trabaho. Chat galore! Love it!
3 comments:
Based sa observation namin ni Jesse, ang mga construction workers na iyon ay bumababa sa Magallanes. :D
haha! at talagang nagstalk pa kayo ng mga construction workers! hekhek
hectic ang sked renz a! malapit ka na yumaman. hehe.
Post a Comment