Friday, May 11, 2007

For Real?!

Ako ay isang dakilang adik sa Reality TV shows.

Totoo po 'yan. Simula pa lang ng Survivor Borneo ay sobrang na-hook na ako sa panonood ng Reality TV Shows. As in wala dapat mamiss na episode at mahuhuli ka sa kwentuhan mo na kapwa adik din. Kaya sobrang galit ako kapag may nangiispoil. Hindi kasi ako nanonood ng mga shows na ganito dahil ito ang uso kundi dahil naamaze ako sa mga tao na kasali, sa production value, sa direction at sa mga hot na kasali.

Sobrang dami na nga ng nagsulputan na reality shows na pwede ka ng gumawa ng thesis, case study o maski ano pang study tungkol sa mga ito. Lalo pa ng nagkaroon kami ng cable TV. Wide range ang choices, from the entertaining to the boring. Inspirational to nakakadungis ng pagkatao at moralidad. Highlight ng mga reality shows ang pagca-clash ng mga personalities, mga connivance, strategy, decision making, business administration at home economics. Kaya nga nandito ako para ibahagi ko sa inyo ang mga napanood ko na na reality shows sa tanang buhay ko, kung paano sila nahahati sa bawat kategorya at ang pinaka "award" sa bawat kategoryang ito. (hanep!)

Adventure/Competition/Patayan Based Reality Show
Eto yung mga reality shows na walang ibang objective kundi magpatayan kayo para makuha ang grand prize. Joke lang. Eto ay isa sa mga tipo kong panoorin kasi talagang kakabahan ka at maeexcite sa panonood. Last man/woman/team standing ang drama ng ganitong mga shows kaya hindi talaga malayo na may patayang magaganap. Pero dapat may strategy na involved sa pagpatay. Dapat walang dugo at hindi makikita ng pulis.

Kasama sa kategoryang ito ay ang Survivor (na ilang season na at maraming lugar na ang pinuntahan. Dapat sa Pinas sila pumunta, sa bandang Sulu, para magkaalaman na), Fear Factor (kadiri), Combat Missions(mga retired na sundalo na nagbabarilan.cool 'tong show na ito), Unan1mous(ganda ng social experiment nito. dapat makapagdecide lahat ng kasali who will walk home with 1.5 million dollars. dapat unanimous ang vote),The Contender (boxing naman 'to) at siyempre Big Brother. Medyo naiba nga lang ang local version(PBB)sa original version. Naging parang artista search na din at may mga charity works (para hindi sila pag-initan ni Laguardia.haha!) pero pinapanood ko pa rin ito. At sa tingin ko ay ito ang pinaka-succesful na franchised reality show at, local reality show na rin, dito sa Pinas (eh PBB, PI at PNTM pa lang naman kasi ang mga franchised relity shows dito.hehe)

Pero ang pinaka da best sa ganitong kategorya ay ang The Amazing Race. Ibang level naman kasi ang production value ng show na ito. Nananalo pa ng Emmy's for Best Reality TV Series kaya ano pa ang masasabi mo. Marami ang kailangan ang isang team para manalo dito: strategy, strength sa mga challenges, intelligence, emotional quotient (para hindi ka mabaliw pag inaway ka ng teammate mo), social skills, laki ng boobs at wetpaks (para ayos sa mga viewers.ahihihi...joke lang) at luck. Sobrang daming luck. Mas marami pa sa isang sako ng lucky me. Nyeh! Ang korneh!

Reality-Talent Search
Isa pa ito sa mga paborito ko. Kasi ambisyon ko talaga ang kumanta, pero wala talaga akong confidence para gawin, at pera para maghire ng vocal coach.hihi. Kaya nailalabas ko ang frustration ko sa panonood ng mga ganito. May audition process, semifinals, finals at grand finale. Kung gusto nilang iextend ang show, magpapa wild card pa sila. Pero meron din namang iba na ipapareha ka sa isang celebrity tapos bahala na kayo magpakitang gilas.

Siyempre, ang reyna ng lahat ng reality talent show ay ang American Idol. More on talent/popularity show nga lang ito pero reality show pa din in the sense na the dreams of an ordinary person will become reality. Kaya reality din (ang labo!). Ang ilan pa sa mga kasama dito ay ang Dancing with the Stars (na may local copycat version na Shall We Dance at U Can Dance), Skating with Celebrities (na may local copycat version na Stars on Ice sa QTV11), So You Think You Can Dance (parang AI, pero sa pagsayaw naman), 30 seconds of Fame (parang perya itong palabas na ito), America's Got Talent, mga local-but-more-on-talent-reality shows (Search for a Star, Star for a Night, Star In A Million, Search for a Star In A Million, Pinoy Pop Superstar, Little Big Superstar, Search for the Next Black Hole, etc.), artista search (Star Circle Quest, Starstruck). Ewan ko ba kung bakit overused ang Star sa mga talent show dito. Ang local version ng AI, ang PI (parang mura! hehe...) ay hindi masyadong nag-hit, marahil siguro sa sobrang dami na ng shows na may ganung format na napalabas noong una. Or baka dahil din sa humawak na TV station. Kaya kinabog siya ng Pinoy Dream Academy; eto talaga ang perfect fusion ng reality sa talent show. Luv ko tong show na 'to, walang aangal.

We-need-a-new-member-reality-talent search ang isa sa subcategory dito. Ang mga example ay ang Rockstar:INXS (magagaling yung mga contestants dito, mas magaling pa yata sa mga kasali sa AI), Rockstar:Supernova (Hindi naman to pinalabas sa Pinas, pero alam ko to), at ang huli sa lahat na hindi ko alam kung bakit pa nila ito ginawa: Search for the Next Doll. Naghahanap sila ng bagong miyembro sa Pussycat Dolls. Pero parang wala ding silbi kasi si Nicole lang ang talagang kumakanta. Pandagdag eye candy lang yung mapipili. Pero OK lang naman sa akin yung show na ito, pinapanood ko pa rin.hehe...

Reality-Dating Show
Eto ang hindi ko talaga kinahiligan. Kasi sobrang korni. As in. Merong isang searcher, tapos mga searchees. Kaya magpapatayan at magpapapansin sa searcher ang mga searchees. halikan, flirting galore ang mga show na ganito. Ganun lang walang kwenta. Mga desperado/a na magkaroon na jowa. Pero pinanood ko pa din ang ilan sa mga ito.hihi...

Siguro ang pinaka-succesful sa ganitong kategorya ay ang The Bachelor[ette]. Umabot na yata ito sa 7th season. Pero hindi ko pa rin siya sinubaybayan kasi nakokornihan talaga ako. Yung mga nasa MTV, un pa ung mga pinapanood ko. Yung mga paisa-isang episode lang. Yung Roomraiders, yung Come Inside My House (hindi ko alam kong ito yung title. hehe...basta pag nagustuhan nung babae ang lalake based sa date nila, papapasukin niya yung guy sa bahay), at iba pa na nakalimutan ko na. Ang iba pa sa mga ganitong shows ay Playing it Straight (mga badinger-Z na nagpapanggap na lalaki. kung baderf pinili ng searcher, kuha ng baderf ang pera. Kapag straight ang napili ng babae, paghahatian nila ang pera), For Love or Money (siyempre...money!), Joe Millionaire (lalaking nagpapanggap na mayaman, pero hindi pala. Magagalit ba si gurl o hindi pag nalaman niya? abangan...), The 5th Wheel, atbp. Pero ang pinakapaborito ko talaga ay ang Beauty and the Geek. Mga gorgeous girls paired with geeks and nerds. Ang ganda ng social experiment na ginawa dito. Kasi makikita kung magji-jive ang personalities nila at kung matututo ang mga geeks about self-confidence and grooming, at kung matututo ang mga beauties about improving their intelligence/knowledge. Pero kung tutuusin, hindi talaga siya dating show, more on competition based siya. Sinama ko lang siya dito para magkaroon ako ng masasabi dito.hehe...

Makeover Reality Show
Magpapayat. Pakinisin ang mukhang puro crater. Magpalaki ng boobs. Magpadagdag ng isa pang boob. Posible na lahat yan sa reality show na ang hangad ay magpaganda at ibahin ang itsura mo.

Dalawa ang subcategories dito. Ang una ay ang Sariling Sikap Makeover Reality Show. Ang halimbawa nito ay ang Biggest Loser, ang aking favorite sa kategoryang ito. Ang may pinakamalaking nabawas na percentage sa weight ang siyang mananalo. Grabe talaga, ibang level ng self-discipline ang kailangan dito. Tapos may pera pang cash prize, pambili ng pagkain para ma-gain lahat ng na-lose mong weight. Harhar... Isa pang show under dito ay ang
Cold Turkey, pagtigil naman sa paninigarilyo ang hangad.

Ang pangalawang uri ay ang Instant Makeover Reality Show o Salamat Po Doc Reality Show. Nangunguna na dito ang The Swan na ibang level sa pagreretoke sa mga kalahok para makasali sa isang beauty contest ng mga retokada. Yung ibang namakeover, gumanda naman. Yung iba naman, naging skeri. Or naging isa na lang ang reaction ng mukha. Nasobrahan sa banat sa fez. Ang iba pa na kabilang dito ay I Want to Look Like [insert celebrity name here] (sa MTV to pinapalabas) at Extreme Makeover. Kung kasinglaki ka naman ng bahay at gusto mong magpapayat, sumali sa Extreme Makeover: Home Edition...Joke lang. Ang show na ito ay gigibain ang bahay mo at irerebuild after 7 days na siyempre mas maganda na. Kung mas pumangit, tawagin na ang lawyer mo at magdemanda.

I-will-give-you-a-job Reality Show
Baka ibang job ang iniisip niyo dyan...:)

Eto yung mga reality show na, as the name implies, bibigyan ka ng trabaho. Magandang sumali dito kasi maeexpose ka sa iba't-ibang environment at mahahasa ang iyong mga skills at talents. Hindi lang biglang yaman kumbaga, sariling sikap mo na rin kung yayaman o magiging succesful ka o hindi.

Dito sobrang dami na example. Search for the Next Janitor na lang yata ang wala pa. Hihi. Kung gusto mo ng instant trabaho, sali na! Meron pang cash prize plus modeling contract under Lydia's Lechon . Pero dapat galingan po para hindi ka naman maeliminate kaagad at mapahiya on national TV. Huwag lang ung unang matanggal, mga pangalawang matanggal na lang, mas less ang embarassment. Para ito sa mga gusto maging model (America's Next Top Model at mga franchise nito), chef (Hell's Kitchen, Top Chef), fashion designer (Project Runway, The Cut), inventor (American Inventor - Hindi ko to napanood, nabalitaan ko lang), director (On The Lot), alipin ni Donald Trump (The Apprentice) at sex star. Tama po ang iyong narinig. Sabi sakin ng friend ko na si Roro na may pinapanood daw ang mga officemates niya na America's Next Sex Star something. Nakalimutan ko yung exact name, pero kamusta naman?! Kakatawa pa yung pagkakakwento niya. Para lang daw American Idol, nasa stage tapos maghuhubad. Tapos may mga ipapagawa (positions, etc.) tapos ici-critique ka. Kapag nasabihan ka siguro ng "You have nice boobs, dawg!" o "That was the best moan this season!", pasok ka na. Habang kinekwento niya sa akin to, siyempre kunwari nandidiri ako para hindi halatang manyak. Hihi...Sabay tanong kung saan makakabili ng DVD nito. AT kinekwento niya ito sa loob ng MRT. Haha!

Pero siyempre iba ang Pinoy. Tayo lang ang nakaisip ng ultimate na I-Will-Give-You-A-Job Reality Show. At eto ay ang May Trabaho Ka. Parang classified ads talaga ito. Pero bakit wala pa silang next janitor, construction, masahista, mangkukulam episode ever kung kailan mataas ang unemployment rate ng mga nasabing propesyon.

The life of a Celebrity/an Ordinary Person Reality Show
Eto yung mga reality show na kinukuhanan ang isang celebrity/family/couple at sundan ang ginagawa nila.

Isang show lang na ganito ang talagang sinubaybayan ko: The Osbournes. Nakakatuwa kasi yung pagka dysfunctional ng family nila. Basta ang cool ng show na 'to. Yung Simple Life with Paris Hilton and Nicole Richie, mga 5 epis lang yata napanood ko. Ganoon din yung kay Nick Lachey at Jessica Simpson. Yung mga nakikita ko sa cable pero hindi ko pinapanood ay House of Carters (yung nasa BSB at yung family nya), Tommy Lee chuva (basta bumalik siya ng school). Korni na yung naglabasan after ng The Osbournes. Tsaka mayaman na sila at sikat, paki ba natin sa kanila. Maiingit lang tayo... Isa lang yata ang under sa the life of an ordinary person reality show. Alam niyo yung Trading Spouses? Kung hindi, ok lang. hindi naman kagandahan ang show.

Humaba na yata masyado ang post ko. Basta sobrang sikat na ng Reality Shows ngayon. Depende pa rin sa trip mo kung ano ang trip mong panoorin. Kaw na bahalang pumili, maski ano. Basta hindi nakakasama sa kalusugan mo.

7 comments:

CokskiBlue said...

addict ka nga sa reality pre. hehe. happy mother's day!

renzyd said...

hindi naman masyado.hehe...

Thanks. Happy mother's day din. :D

tristanjed said...

Sorry sa pagsspoil :'(

Unintentional. :'(

Faith said...

Nakakatuwa ang mga I'll-give-you-a-job reality shows. Pero grabe ha, adik adik ka talaga. Nagiging luma na rin kasi yung reailty-talent search type of shows pero patok pa rin somehow ang American Idol. Haha. May formula talaga sa mga ganitong bagay.

renzyd said...

@poytee

medyo lang.hehe...kapag telenovelas na ang pinapalabas, nililipat ko sa ETC o sa maski anong cable channel.

@teejay
hindi na ako magoonline kapag thursday! >.<

Faith said...

Korek, mas okay namang manood ng reality shows kaysa telenovelas. Haha. Well, depende rin.

renzyd said...

@poytee

yep, depende nga. pero ang talagang sinubaybayan ko pa lang yata na telenovela ay Bituing Walang Ningning. =)