Thursday ng umaga: Masaya akong nagcocomputer ng magsimulang humangin at lumakas ang bagyo. AT biglang nagbrownout. peste! Masisira ang PC ko na to. Naghintay ako ng sandali akala ko magkakaroon ulit ng kuryente. Lumubog ang araw, wala pa rin. Nagsimula na akkong magtext sa mga friends kung may kuryente na sa kanila at kung anu-ano pa. At biglang nawalan ng charge. AAAAARGGGHH! Magchacharge sana ako ng nalaman kong...wala paalng kuryente. nice...
Friday: Nanghiram ako ng cellphone sa mom ko na may full bar. Nilagay ko yung sim ko at pagbukas ng fone, dalawa na lang ang batt. nice.
Pinagwithdraw ako ng ate ko sa atm. Nilakad ko papunta sa atm machine at nakita ang destruction. shet, offline pa ang atm. Wala pang pera. Bumalik ako sa bahay. Pinabalik ako sa atm machine na mas malayo at subukan yung isang ATM niya. Naman...bakit hindi na lang pinagsabay? SIyempre nag-jeep na ako, hindi ako martir. Lo and behold, offline pa din sila.
Nag-gabi na at wala pa ring kuryente. Nagamit na namin yung kandilang hindi nagamit nung pumunta kami sa Banahaw. Mabuti hindi masyadong mainit. At plentiful din naman ang tubig kaya no prob. Dahil walang tv, madali ako nabore. Kaya hinalughog ko ang buong cabinet ko para mahanap ang aking walkman na luma. Hindi kasi magamit yung mp3 player ko kasi AAA battery ang kailangan. Sa wakas, natagpuan ko. Nakinig ng news, ng music, at inantok. zzzz...
Sabado. Hindi ko na kaya! Nakapagwithdraw na sila nung kinagabihan. At alam niyo na ibig sabihin niyan, nag-mall kami. kumain, namili ng bagong wardrobe (pang presentation) at pumunta sa the block. Nakasulubong ko din ang isang (read:malandi) kaklase ko nung high school. What a coaccident!
Napagalaman ko din na may kuryente na sa bahay nmin sa Bulacan simula nung Friday pa. Napangiti ako at hindi na nagdalawang isip. Pero naalala ko yung debut ni Joelle. At dahil wala akong line of communication, hindi na ako nakapunta. (sorry Joelle.huhuhu...).Nakauwi na kami at masayang nakapanood ng expulsion night ng pda at performance night ng pi. the joys of electricity nga naman.
Linggo. Wala pa ring kuryente sa Kamuning. hindi muna ako lumuwas. At dahil sa bagyo, hindi kami nakapag-prepare ng presentation sa thesis. Akala namin mamomove pero no! We're dead.
Lunes. Maaga ako nagising kasi nagbabakasakali akong may kuryente na sa up. Hindi ako nakapag-almusal, nabasag kasi ang itlog na dapat ay almusal namin (totoo po ito. nakakaawa no?) Kuamin ako sa 7-11 at sumakay na sa jeep.
Nakita ko ang destruction sa buong campus. Ngayon lang ako nakakita ng ganun. Mas lalo akong nagulantang dahil wala pa ring kuryente. Pero nagkaroon bigla ng bandang 9:30 am. yipee! nakagawa kami ng presentation, at nairaos naman ito.
Martes. Nagkalagnat ako. Sinearch ko ang net para malaman ang symptoms ng dengue. Lahat tumutumpak except sa rashes. Nagpanic ako, umuwi at nagpahinga. Hindi na nagpa-check up sa doctor katulad ng binabalak ko.
Ngayon: OK na ang pakiramdam ko. pero nangangati ako. Iniisip ko kasi palagi na may sakit ako? Placebo effect or buni? hindi ko alam...
No comments:
Post a Comment