Sorry for the very late update. Been busy this few weeks. Lalo na nung pumunta kami sa Banahaw last weekend.
For 1,350 pesos, we will go to Dolores Quezon and stay there for two days to do different kinds of stuff. Masaya yung dalawang araw, hindi sayang ang pera.
Sa first day, yung mga pinuntahan namin ay yung Sta. Lucia Falls, kung saan "bininyagan" kami at nilublob sa ice-cold water. As in ice cold. Kaya marami ang nagkapulikat. Im lucky I'm not one of them. Another memorable experience is the Husgado, a cave where, they say, hindi nakakalabas ang mga makasalanan. Siyempre kinabahan naman ako. Ayoko namang ma-stuck dun forever at dalhan na lang nila ng pagkain. Mabuti naman at nakalabas ako.
When night came, nagpulasan ang mga tao to freshen up. Kaw ba naman ang umakyat ng bundok at pumasok sa kweba buong araw. Pero kelangan daw magtipid sa tubig. Ayos na daw ang mga 3 buhos. Mabuti may extra water na dumating, courtesy of the fire hose na sobrang lakas ng pressure na nakasakit kay Sir Nilo (our prof) and one of my groupmates. Mabuti hindi sila tuloy-tuloy mahulog sa bangin. After the sharing and inuman sessions later that night, we all went to sleep. SOBRANG LAMIG! yun lang masasabi ko.
The next day was even tiring. We went to Kalbaryo, a mountain with a sacred cross on top. Fatale ang pag-akyat dun. Feeling ko nag-lose ako ng 10 pounds (I wish) sa pag-akyat. Pero ayos ang feeling pag nasa tuktok ka na, wala na lahat ng pagod mo.
Tapos bumaba na kami ng bundok at bumalik sa base. After lunch, we went to Kinabuhayan. Sobrang dami din namin ginawa dito. Naghike, pumasok sa mga kweba, nag-hoke, pumasok ulit sa kweba. And after that, dinala nito kami sa isang waterfalls. Ayos! Kahit medyo madumi yung tubig, pwede pa naman siya paliguan. Hindi rin ako tumalon sa itaas nung falls kasi ayaw kong isugal ang buhay ko. Sayang nga na nung last day lang kami nakapagbonding ng mga groupmates ko. Masaya din palang sumakay sa itaas ng jeep.
Then we went home. At eto pa, may inuman pa ng lambanog sa loob ng jeep pauwi. Pero dahil sanay na ako (ng konti), hindi ako nahilo. Para ngang walang epek eh, siguro mas nasaany na ako sa gin kaysa lambanog. Dumaan din kami sa Colette's para bumili ng buko pie. Para siguro bawiin ang nawalang calories sa amin.
That trip is truly a great experience, both spiritually and physically. You can do things that you thought you can't do. Taba ko na ito, nagkasya ako sa mga kuweba? Enjoy talaga, sana may next time.
Calling CURSOR or LAKAN! Pwede Semender dito! XD
No comments:
Post a Comment