Sunday, December 12, 2010

tuwing kapiling ka

Light show something @ Ayala Triangle


Para akong bata kanina habang pinapanood ang pagsayaw ng mga ilaw sa bawit saliw ng kantang pamasko. At mas naging espesyal pa ang tagpong ito nang pinanood ko ito sa tabi mo... 

Friday, December 10, 2010

surfing

Ang surfing ay parang pag-ibig.

Hindi maiiwasan na magkakamali ka at babagsak. Isa, dalawa, maraming beses.

Hanggang sa matapos ang iyong pagkakataon para patunayan ang iyong sarili. Tapos na ang oras mo sa instructor. Lumubog na ang araw. Wala nang susunod na pagkakataon.

Aalis ka na masakit ang katawan, masakit ang puso. Nagsisisi kung bakit hindi mo ginawa ito, hindi ginawa iyan. Maraming panghihinayang.

Pero ang importante, natuto ka at inamin ang mga pagkakamali. Na kahit iba na ang surfboard na iyong sasakyan at ang dagat na iyong susuungin, kaya mo nang sakyan ang mga alon.


Sunday, December 05, 2010

alis agiw

Kamusta naman ang kalumaan ng blog na ito. Kung hindi pa nag blog muli sa Carla, nakalimutan ko na may nageexist ng ganitong blog na kung saan bumuhos lahat ng kalokohan at mga naranasan ko noong kolehiyo at noong nagsisimula pa lang ako magtrabaho.

Parang ginanahan akong magsulat ulit, ngayon pa na mas madaming nangyari sa akin. Mga kabiguan. Mga tagumpay. Mga pagkakamali. Mga katangahan. Mga kasiyahan. Pwede din na mga kalandian. Hihi

Parang ako ang blog na ito: confused. Di alam kung humor, entertainment, senti, technology, travel o photography blog. Pero yun nga siguro ang maganda sa akin at sa aking blog. Hindi pwedeng ikahon sa isang salita. Komplikado. Lahat pwedeng pag-usapan. Maraming pwedeng ikwento.

Tignan natin kung magtatagal ang pananabik kong ito para madagdagan ang mga nakasulat dito. Tignan natin...

Saturday, January 03, 2009

2008: The year that was (walang maisip na title)

The year 2008 has been a very wonderful year to me. Naks, ayos sa intro. Haha! Seriously, madaming blessings na dumating at madami ding lessons na natutunan. Kaya marami akong kelangan ipagpasalamat.

Thank you Lord for my health and also my family’s. Walang naaksidente, walang naospital. Ang pinakamalala lang ay sipon, ubo at fungal infections.

Speaking of family, salamat sa support at love na binigay nila sa akin. Hindi ko matatamo ang tagumpay kung hindi dahil sa kanila. Feeling successful. haha

Thank you Lord for my friends. Elementary, high school, college,housemates and workplace friends. Salamat sa pag-intindi sa mga mood swings (kung meron) at sa pagkakuripot (sure ito). Thank you for the friendship and the company. Hindi ko na ieenumerate lahat ng friends ha. Basta thank you.

Thank you din sa Philippines at marami na din akong napuntahan na tourist destinations for the first time ngayong taon. Puerto Galera, Sagada, Cagayan de Oro at Camiguin. Looking forward to visit more and more beautiful places. WOW Philippines ito!

Thank you SMART for my new camera. Haha. Matagal ko na pinapangarap magkaroon ng DSLR at kumuha ng mga bonggang pictures and pursue my longtime hobby.

At higit sa lahat, thank you Lord for giving me one of the greatest gifts and surprises this year, Melanie. It’s very nice to know that there is someone who loves me and someone worth loving. I love you hon! Mwahugs! Ahihihihi... :)

Yun lang. Salamat talaga sa taon na ito. I’m ready to face the new challenges that will come my way this year. 2009, here I come! (ang cliche amf)

Thursday, November 20, 2008

Cagayan de Oro and Camiguin Pix Download Links

Hello guys!

Sa wakas, naupload ko na yung mga pictures! Yay! You can download the pictures here:

CDO/Camiguin Pix

Enjoy! upload nyo din yung pix nyo. :)

Friday, April 11, 2008

trip lang: changing lyrics, same tune

This past few days, naghahanap ako ng mga kantang nag-iiba ang kanta dahil sa isang line na ka-tono ng isa pang kanta. Sobrang nakakatawa kasi. Lalo na kung kakanta ka tapos makikisabay yung kasama mo. Tapos mag-iiba yung kanta pagdating sa isang line. Haha. Parang adik lang.

Example:
Song: Superman, Five for Fighting

I can't stand to fly...

But I don't know why. I'm jealous of the people who are not afraid to die.
And now I'm fallin, fallin, fallin fast again
Why do I always take a fall, when I fall in love.

Nyahaha! Amazing! Eto pa isa.

Song: Weak

I get so...

Bakit ikaw ang nais na matanaw nitong mga mata
Tunay kayang nabighani ako sa taglay mong ganda
(Sana Kahit Minsan by Ariel Rivera.)

bwahahahaha! Eto, last na. kinontribute ng officemate kong si Richard.

Song: In the End, Linkin Park

One thing, I don't know why...

bakit mo ako laging dini-deny
all the goods I've done wala man lang rekognition
mahilig kang manguleksyon binalewala aking atensyon
(Stupid Love, Salbakutah)

Kung may alam kayo na kagaya nung mga nasa taas, comment lang kayo. Pagbigyan niyo na ang mababaw ang kaligayahan. :P

Sunday, April 06, 2008

UP Questionnaire

Bored. Miss ko na din ang UP. Galing kay TJ.

--------------------------------------------------------------------


Student number?
03-51848

College?
Engineering

Ano ang course mo?
BS Computer Science

Nag-shift ka ba o na-kick out?
Hindi naman. Magaling ako eh.LOL

Saan ka kumuha ng UPCAT? (Where did you take your entrance examination?)
Bulacan State University Gymnasium. Sosyal!

Favorite GE (General Education) classes?
PI100, Geog1, Philo10, SocSci1. Cool profs and madami akong natutunan.

Favorite PE?
Badminton (read: Caces, 3.0, less than 10 lang yata kaming pumasa out of 20+) and Archery (coolness)

Saan ka nag-aabang ng hot girls sa UP?
Sa tambayan at corridors ng Engg.

Favorite Professors?
Sir Quiwa (CS32 and CS131), Sir Nilo Ocampo(PI100), SJ Toledano (Philo10), Sir Deocariza (Geog1)

Least favorite GE (General Education) class?
Philo1, English1, and Bio1. Isang sem ko lahat kinuha to. OK sana yung mga subjects, yung mga profs, hindi!

Did you sign up for Saturday classes?
No. Wednesday, meron.

Nakapag-field trip ka ba?
Yep. Banahaw (PI100), Quezon province (Art Stud 1), Accenture (CS173-Cobol), Nueva Ecija (ROTC) at isa pa na hindi ko maalala (Geog1)

Naging CS ka na ba or US sa UP?
Yep. 2x yata na CS at 1x US.

What Organization/Fraternity/Sorority were you a member of?
UP CURSOR, UP LAKAN, UP ACM, UP DCS Student Assistants,UP CS Network

Saan ka tumatambay palagi?
UP CURSOR tambayan, sa Dept namin at sa corridor sa tapat ng Dept namin

Dorm, Boarding house, o Bahay?
Bahay ng ate ko sa Kamuning.

Kung walang UPCAT test at malaya kang nakapili ng kurso mo sa UP, ano yun?
UPCAT test? Redundant! Haha! Com Sci din siguro.

Sino ang pinaka-una mong nakilala sa UP?
Si TJ kasi classmate ko naman siya since high school. Haha. Isama mo pa sina Roro and Jameson. :D

First play na napanood mo sa UP?
Di ko na maalala basta tungkol sa butterfly. Pang-COMM 3.

Saan ka madalas mag-lunch?
Engg CafĂ© and Vinzon’s Canteen nung first year.

Name the 5 most conyo orgs in UP.
Errr… no comment. :P

Name 5 of the coolest orgs/frats/soro in UP.
Siyempre mga orgs ko.

May frat/soro bang nag-recruit sa yo?
Wala. Low profile ako eh.

Masaya ba sa UP?
OO naman. To the nth power.

Nakasama ka na ba sa rally?
Hindi pa.

Ilang beses ka bumoto sa Student Council?
3x lang yata. Apathetic pa ako nung 1st year.

Pinangarap mo rin bang mag-laude nung freshman ka?
Oo. Pero ok lang kung hindi.

Kanino ka pinaka-patay sa UP?
Kay *a*****. haha

Kung di ka UP, anong school ka?
DLSU. Com Sci din.

First Year Block
G-10

Very First Subject
Math 17. 8:30AM.

Favorite Elective
French 10. Bonjour!

Pinaka-terror na teacher
Caces (Badminton), Bio1 and English1 prof ko. Tignan mo, kinalimutan ko na yung pangalan nila.

Most Favorite Major Subject
CS 32, CS131 at CS180.

Least Favorite Major Subject
CS 130 and CS145.

Favorite UP Tradition
Engg Week, Lantern Parade.

UP Tradition(s) Missed
Oblation Run at mga rally

Most Memorable Thing You Did Just For Bonus Points
Wala naman. Siguro isulat yung crush sa answer sheet.

Pinakamasarap na Isaw
Yung lasa-kalay. Yung sawsawan-Ilang.

Pinakamurang pamasahe ng IKOT
P3.50

Pinakapayborit na Merienda
Siomai, monay with cheese, fish/squid balls

Umulan ba nung University Graduation mo?
Ewan. Hindi ako umattend eh. Hehe

Thursday, March 27, 2008

What's keeping me busy?

Its more than a month (again) since my last blog post. SO what's keeping me busy? Wala. haha. Tinatamad lang ako gumawa ng blog entry. And I don't want to waste multiply's bandwidth and space for a survey/personality test/which [insert a thing/cartoon character/whatever here] are you? test. So I decided just to keep my mouth shut (or in this case, my mouse pointer away from the create new post link and my hands away from the keyboard. :))

Actually, I'm not that busy when it comes to my work. And I don't want to rant about my work because A.) there's nothing to complain about it (well, minsan. hehe) and B.) my teammates might read it (Hi guys!). So, no blog entry about work. Maybe I can talk about my inspiration while at work, but... nevermind. :D


I've been into a lot of things lately. Some of them are current addictions (don't worry. it's not drugs or something). Some are vacation trips, get togethers and concerts. And I am loving every bit of them.

ADDICTIONS


I love Lost. :D

I'm an addict to some of the tv shows/series lately. Some of them are Lost (I like sci-fi adventure suspense stuff), House (Love the medical cases), The Office (I love the humor and the characters) and American Idol. Speaking of AI, I'm always hearing the usual "Most talented batch ever" line every season. oh c'mon. Season 4 is the best. No one can top that. But I like most of the contestants namely Michael, David C, Brooke and Ramiele.

BTW, I haven't finished those TV series yet even during my DVD marathon last Holy Week. sad. :(


CONCERTS


our Maroon 5 tix. Malayo kami kina Adam eh kaya walang picture nila na malapit.

I have been into three: Loverage during the UP Fair, My Chemical Romance and Maroon 5. Loverage is good because it is free, same with MCR. But we enjoyed Maroon 5 more because I know a lot of their songs. Even though we are in the "dukha" section, we really enjoyed the experience.

GET TOGETHERS/VACATION TRIPS


picture taken in a cave in Long Beach. Pepoy made this shot, but it's my concept. :D

Lunch and dinner outs are the best ways of catching up to the lives of your long lost friends and batchmates. But out of town trips are the ultimate bonding activity there is. It's my first time in Puerto Galera last March 15-16 and it was a blast! The scenery is beautiful, the activities are exciting and most of all, the people with me are fun to be with. I really had a blast. Too bad we didn't experience the night life. But that's okay. The banana boat, hiking, snorkeling and island hopping were fun anyway.

Well, that's it. So far so good. Hope to have more lakwatsas in the weeks to come. And I will be celebrating my 1st work anniversary next month. So that means one thing: I'm working for a year now (duh!). I also hope to update my blog frequently to improve my blogging/writing skills. I also hope that I can buy an SLR camera and learn photography. So many things to do...so little time. And money.


Wednesday, February 06, 2008

Kill joy

*gasp!*

After experiencing freedom for two months, the sometimes bored office computer-user when no work is to be done(like moi) meets it's worst enemy (again), the dreaded Surf Control.



This thing/pest is said to be existent on companies where data security and integrity is top priority (like my company. sheeesh). Or they just don't want the employees to waste bandwidth by checking their officemates Friendster/Facebook profile or exchange messages through YM. Or they just don't want the common employees to waste precious bandwidth so that the IT-Sec personnel (that implements the Surf Control) will continue to play DoTA with minimum lag.

Gone are the days of Friendster, Facebook, Youtube, Multiply (gasp!) and YM that we experienced for two months (some say the license for the surf control ended last November). Even the proxies that let's you surf past the surf control is not working.

But they always say, if there's a will, there's a fortune! (corny). I have some tricks up my sleeve, I tell you. You will still continue to see me with an online status in YM. Without the dynamic status message of my currently playing song in my iTunes, of course.

Thursday, January 24, 2008

problemado

Mga two weeks ago, nagsimula ng magpalabas ng emails yung company namin regarding discounted tix sa concert ng My Chemical Romance dito sa Pilipinas. 10% discount sa bronze tickets. Bale 600 yung orig price, tapos 540 na lang yung babayaran.

Wala yatang bumili kasi sobrang laki ng discount (sarcasm). Kaya para idispatsa yung mga sobrang tickets, ipinamigay na lang nila. haha! Fun diba?

Unahang mag-email ng employee number at name at kung ilang tix (max of two). Wala naman akong balak pumunta talaga, pero whadaheck! Nagbakasakali na rin ako na makakuha ng tickets at maging scalper sa Bonifacio Open Field. Ibebenta ko ng 1k each yung ticket. hehe...

Akalain mong nakapasok ako! Eh malas pa naman ako sa mga unahan unahan. Kaya may dalawa akong tickets ngayon. At nahihirapan ako kung sino ang isasama. Eh bukas mamaya na yun... what to do?

Parang trip kong ipamigay yung tix sa mga street children...para maiba naman. Hehe... adik.